Chapter 42

46 7 5
                                    

Kent POV

Nakita ko na yan kaya wag kang mag alala hindi ko sasabihin sa kanilang umiiyak ka......naramdaman kong unti unti niya kong niyakap.

Shhhhhhh don't cry Mafia's Ace. hinawakan ko ang buhok niya umiiyak siya pero wala kang maririnig na hagulgol ngunit maririnig mo ang malalim niyang paghinga.

Si Lolo dad. aniya

Bakit? tanong ko

Si Lolo dad. pag uulit niya

Pi---pinatay nila si lolo dad. mahinang sabe niya

Leigh matagal na yon kalimutan mo na alam kong ayaw ng Lolo mo na malungkot ka tuwing kaarawan mo. hindi na siya nagsalita kaya medyo niluwagan ko ang pagyakap ko sa kanya para tingnan siya pero muntik na siyang matumba wala na pala siyang malay kaya mabilis kong hinila siya pabalik sa aking mga bisig.

Binuhat ko siya at isinandal sa may puno na malapit sa kinaroroonan namin pinagmasdan ko siyang mabuti napakaganda niya bagay na bagay sa kanya ang suot niya.

Pupunasan ko luha mo leigh alam kong ayaw mong makita ka nilang umiiyak. kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ko ang mga luha niya.

Happy Birthday Leigh umikot na ko sa paligid walang panganib makakapag celebrate ka ng birthday mo ng maayos kaya gumising ka na hinihintay ka na nila pinapangako kong babantayan ko kayo. nakangiti ako habang pinagmamasdan siya hinawi ko ang buhok niya para mas lalo ko siyang makita.

Mahal?!!!! nasan ka?!!!!!!..... napalingon ako sa likod ng puno si achilles hinahanap na niya si leigh.

Your Prince Charming is here i need to go. Happy Birthday Leigh. Enjoy your day my favorite person. hinalikan ko siya sa noo bago ako umalis nagtago lang muna ko sa di kalayuan sisiguraduhin ko munang makikita siya ni achilles bago ko siya iwan dito.

Ma--mahal? mahal gising anong nangyari? kitang kita ko ang pag aalala ng pinsan ko kay leigh mahal na mahal niya talaga ito dahan dahang dumilat si leigh umalis na ko doon bago pa ko makita ni achilles

Achilles POV

Mahal ok ka lang ba anong nangyari? unti unti siyang dumidilat bahagya siyang ngumiti at hinawakan ang pisngi ko.

Ligtas ka. mahinang sabe niya

Ha? wala namang nangyari sa akin mahal bakit ka tumakbo at lumayo sa amin? tanong ko

Wag kang aalis sa tabi ko. aniya

Hindi naman ako aalis nandito lang ako mahal di kita iiwan. sabe ko

Kaya mo bang tumayo? bubuhatin na lang kita. habang naglalakad ako at buhat ko siya napansin kong nakatingin sa akin si ash.

Bakit mahal? tanong ko pero hindi siya nagsalita pinisil lang nito ang pisngi ko.

Ang cute ko diba? tanong ko

Tss. binatukan niya ko pero mahina lang naman naglakad na kong muli ingat na ingat ako baka kase may matapakan akong bato at matumba pa kameng dalawa.

Achilles saan mo siya nakita? si kuya uno nakasalubong ko siya pawis na pawis kakahanap kay ashleigh.

Sa may puno banda roon. sabe ko

Nahimatay nanaman siya. malungkot na sabe ni kuya uno.

Gising na siya kanina pa. sabe ko

Tumingin si kuya uno kay ash sa itsura niya mukang hindi siya sumasangayon sa sinabe ko kaya tiningnan ko si ash nakapikit nga siya kanina lang ay gising pa ito. Tingnan mo siya sigurado kong nilalagnat nanaman iyan. sabe ni kuya uno

SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon