Chapter 19

54 4 1
                                    

A/N sabay sabay po tayong uminit ang ulo at mainis sa mga nanakit kay achilles.

Rain POV

Anong trip mo at ayaw mong pumasok? tanong ko sa lalaking to na mas piniling tumambay dito sa rooftop cafe kesa pumasok dinamay pa ko

Wag na muna tayo pumasok samahan mo muna ko leigh tutal mataas naman grades natin. aniya

Ano bang problema mo at bakit nagkakaganyan ka? tanong ko pero hindi pa rin ako nililingon ni leo nakatingin siya sa malayo habang hawak niya ang mainit niyang kape.

Wala kong problema. tumingin na siya sa akin at ngumiti. Mukang ayaw mo naman sa school ngayon kaya niyaya kita dito since gusto ko rin mag kape. aniya

Sa bagay wala din akong gana makinig sa lectures today tsaka napakadameng tao doon. sagot ko at tumingin kay leo dahil nakangisi siya.

Cute mo talaga eh noh malapit na din pala laban natin sa archery sino kaya makakalaban natin gusto mo mag practice tayo? tanong niya

Ikaw bahala ako kahit hindi na. sabe ko

Tara sa bahay ubusin mo na yang kinakaen mo at dadalhin kita sa bahay. nakangiting sabe niya

Bakit parang may masamang balak ka sa akin? tinapakan ko yung paa niya

Aray naman anong masamang balak? di ako ganun noh lalo na sayo. aniya na taas baba pa ang kilay.

Gaya ng dati siya ulet ang nag drive kay dos papunta sa bahay nila.

Astig talaga nitong motor mo noh bagay talaga sayo halika pasok ka nandito na tayo. aniya at binalik niya sa akin ang susi ng motor ko

Good afternoon sir bakit umuwe po kayo agad? tanong ng maid nila leo

Ah magpapractice kase kame para sa laban namin sa archery maghanda ka na lang ng meryenda namin.

Sige po sir.

Umupo ako sa sofa nila napakaganda ng bahay nila leo habang iniikot ko ng tingin ang buong sala nila napatingin ako sa hagdan nila na may pababang lalaki na nasa 40's na siguro parang nakita ko na siya di ko lang maalala kung saan.

Leigh tara punta na tayo sa may practice room ko. aniya na nilahad pa ang kamay niya sa akin

Oh anak may bisita ka pala.

Good afternoon po. pagbati ko

Si ashleigh dad partner ko sa archery.

Magpapractice kayo pwede ba kong manuod anak? tanong ng daddy niya at nilingon ako ni leo kung ayos lang ba sa akin

Ah eh sige po ok lang naman po. sagot ko no choice na kahit ayoko ng may manunuod sa amin

Nasa practice room na kame ni leo. Leigh eto sayo check mo na lang kung maluwag adjust mo na lang din kung saan ka kumportable. aniya

Ok na to, meron ka talagang practice room dito sa bahay nyo ah seryoso ka talaga sa archery kelan ka ba nagsimulang mag-aral nito. tanong ko

10 years old,  tapos first year ako nung sumali ako sa mga tournament gusto ko talaga matutunan to dahil ito yung nagligtas sa buhay ko eh ikaw?. tanong niya

5 years old pero hindi ako sumasali sa mga tournament. sagot ko

Ay weh? 5 years old partida di ka pa sumasali sa tournament pero ang galing mo. aniya

SANAحيث تعيش القصص. اكتشف الآن