Chapter 15

83 5 0
                                    

Rain POV

Nakapasok na kame sa loob ng mansyon ang laki at napakagarbo ng dating nito nagsusumigaw ang kayamanan ang sahig nito ay makinang na marble may red carpet ang malaking hagdan ang mga bintana nila ay napakalaki gaya ng sa mga palasyo ang desenyo ng mga pader ay may mga nakaukit na agila hindi mo maitatanggi na siya mismo ang nag desenyo nito ang Pinakamatandang Santiago talaga ay walang pinagbago mahilig pa rin sa agila.

Dad! Lolo! nandito na po kame deathnote hanapin mo nga sila para makauwe ng maaga ang Alas. si kev

Mabilis akong umiwas sa papalipad na kulay itim na punyal na may nakaukit na agila napangisi ako walang pinagbago ang Heneral Santiago mapaglaro pa rin.

Humarang si kev at si deathnote sa harapan ko para protektahan ako. Sino yon? sinong nangahas batuhin ng kutsilyo si Alas. sigaw ni kev.

Ang Heneral. sagot ko

Si Lolo? ba--bakit ka niya babatuhin? tanong niya

Siya lamang ang may ganyang punyal noon pa may mapaglaro na ang lolo mo. sagot ko lumingon kame sa punyal na nasa sahig.

Sa Heneral nga ito Young Master. si deathnote

Nakarinig kame ng halakhak at pareho kaming napatingin sa hagdan isang lalaki na nakablack suit, naka cowboy hat at may hawak na baston napangisi ako dahil hindi nagbago ang Heneral ganun pa rin ang get up niya napalingon ako sa lalaking nasa likod niya matipuno may edad man ngunit may ipagmamalaking itsura ito na siguro ang dad ni kev

Kayo po ang Alas? ikinagagalak ko po kayong makilala. inilagay niya ang kanyang kanang kamay sa dibdib at yumuko siya sa aking harapan bilang pag galang at nakipagkamay sa akin ang daddy ni kev kaya't pinagmasdan ko ang pulsuhan nito isa siya sa tatlo tingnan mo nga naman ang tadhana ang tatlong mokong na nakilala ko sa school ay anak pala nila.

Due wala kang pinagbago ang bilis mo pa rin ni minsan hindi kita napatamaan. nginitian ko siya at sumaludo siya sa akin kaya't ganun din ang aking ginawa. (Due -pronounce as duwe meaning pangalawa)

Due? Dad wag mong sabihing.... hindi natapos ng daddy ni kev ang sasabihin niya sapagkat binigyan siya ng makahulugang tingin ng kanyang ama walang pinagbago ang Teniente Santiago hanggang ngayon ay napakamasunurin niya sa kanyang ama.

Wala kang pinagbago lumaki ka Due ng kay gandang dilag. sabe ni Heneral

Ikaw din Heneral walang pinagbago ganyan pa rin get up mo. tumawa siya at umikot pa sa harap ko para mas lalo ko pang makita ang kanyang postura.

Labis akong natutuwa at nakita kitang muli kung maluwag ang oras mo ay nais ko ulet maka-duwelo ka upang mabuhay naman ang katawan kong matagal ng hindi nakakaramdan ng sakit. aniya

Nag-aaral ako ngayon Heneral at kaklase ko ang iyong apo. sagot ko

Ganun ba sigurado akong ligtas ang aking apo dahil malapit ka sa kanya kung gayun ay hindi muna kita guguluhin Mag-aral kang mabuti Due pagpasensiyahan mo na lamang dahil kakarampot pa lamang ang alam niya sa mafia. aniya

Makakaasa kayo Heneral ngunit kung di niyo mamasamain nais ko na sanang umalis dahil may naghihintay sa akin. sabe ko

Ang lalim niyo naman mag tagalog. si kev

Binatukan si kev ng daddy niya. Kaya sabe ko sayo ay mag-aral ka ng sarili nating lengguahe.

Sige Due hanggang sa muli. sumaludong muli ang Pinakamatandang Santiago kaya ganun din ang aking ginawa samantalang yumuko naman ang anak ni Heneral at ang batang Santiago ganun na rin si Deathnote nakita ko pang inilagay ni deathnote ang kanang kamay ni kev sa dibdib kaya bahagya akong natawa napakainosente ni kev (bowing while placing your right hand in your chest is a form of respect for the Mafia's Ace only, a 15 degrees bow is for every Mafia's Punong Bantay, Best Reapers, Hunters and Assassins while the Highest Punong bantay is treated like one of the Highest Officials like Leaders and Councils which is a 30 degrees bow) bago ako umalis ay sumaludo ang daddy ni kev sa akin sa paglabas ko ng gate nagsiyuko rin ang mga Mafioso ng Black Eagle. Sumakay nako sa aking motor at pinaharurot na ito.

SANAWhere stories live. Discover now