Chapter 20

55 5 1
                                    

Rain POV

Rain rain rainn!! gising!!!. naalimpungatan ako dahil sa bunganga ni cash akala ko panaginip lang na naririnig ko boses niya totoo pala kaya bumangon ako at tumingin sa orasan alas tres ng madaling araw? seryoso ba tong abnormal na ito bakit ginigising ako kaya tumayo ako at naglakad papunta sa pinto

Ano ba yun? nakapikit ko pang tanong sa kanya ng buksan ko yung pinto ng kwarto ko.

Si si si kaizer kase ano ano kase basta magbihis kana boy dalian mo. nagtataka tuloy ako kung ano meron kay kaizer may nangyari kaya sa kanya sa hospital pinabantayan ko siya kay Uno kaya alam kong walang masamang mangyayari sa kanya pero bakit minamadali ako nito ni cash tsk tsk antok pa ko.

Ano ba kase nangyare kay kaizer? tanong ko kay cash

Nagmamadali na tayo rain kaya sumakay kana sa motor mo at sundan mo ko. sabe niya at pinaandar ang motor niya bakit susundan eh alam ko naman papuntang hospital saan ba kame pupunta nitong bruha na to.

Mag aapat na oras na kame bumabyahe ni cash nasan na ba kame itong bruha na to mga trip nito sa buhay di ko gusto kaya inangat ko yung salamin ng helmet ko. Hoy saan ba punta natin?. sigaw ko para marinig niya ko

Basta. sigaw niya

May nakikita na kong dagat nasan na ba kame umalis kame ng madilim dahil madaling araw pa lang pero ngayon maliwanag na at ang ganda ng tanawin na nakikita ko napaka sarap ng simoy ng hangin

Huminto si cash sa isang malaking bahay na ang desenyo ay parang nasa panahon pa ko ng kastila.

Hoy bruha nasan ba tayo nandiyan ba si kaizer? tanong ko at sabay kameng napatingin ng magbukas ang malaking gate.

Noona!! sigaw ni kaizer natutuwa akong makita siya medyo naghihilom na ang mga sugat niya nasa likod niya si Uno.

Uno bakit nandito kayo ni kaizer kaninong bahay ba ito? tanong ko pero nginitian lang nila ako ano bang nangyayari at bakit parang ang weird nilang lahat.

Tara noona mag almusal ka muna. sumunod ako kay kaizer at inalalayan ko siya maglakad.

Ikaw bata ka dapat ay nagpapahinga ka at bakit heto ka't may gana pang gumala kung alam ko lang na ganyan katigas ulo mo edi dinagdagan ko sana yang sugat mo.

Noona naman sabe ng doctor pwede na ko lumabas tsaka dito kaya masarap magpahinga ang ganda ng tanawin.

Sabagay sariwa ang hangin walang polusyon sa inyo ba ang bahay na ito? tanong ko

Bebe!!! napalingon ako sa may hagdan si tala na naka floral duster

Baklang ash! si riri na hindi rin nagpatalo at may bulaklak pa talaga sa tainga.

Ano bang meron? nagtatakang tanong ko

Wala naman bebe gusto lang namin magbakasyon kahit 2 days lang para makapagpahinga din si kaizer mas maganda ang hangin dito sa zambales. si tala na inakay pa ko para kumaen tumabi ako kay cash at binatukan ko siya.

Aray naman! singhal niya

Minadali mo pa ko akala ko kung ano nangyare kay kaizer.

Eh kase ano basta kunwari ka pa ayaw mo ba dito? ang ganda kaya.

Gusto ko tss sige na kumaen na tayo uno sumabay ka na sa amin.

Sige po. sagot ni uno

Wow ah ang galang ng kapitbahay niyo ah. si cash nakalimutan kong di nga pala niya alam na punong bantay namin si uno at ang sabe ko dati ay kapitbahay namin sa dati naming bahay hindi ko pwede sabihing kapitbahay namin sa mansion napakalawak ng lupa namin at napakalayo ng iba pang bahay doon sa lugar namin kaya impossibleng maging ka close o maging kaibigan namin yung mga kalapit bahay sa lugar namin.

SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon