Chapter 26

81 8 11
                                    

Achilles POV

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko medyo nahihilo pa ko nasan ba ko huling naalala ko ay may humarang sa akin sa daan mga lalaking naka itim.

Ano gagawin natin sa batang yan? tanong ng isang lalaki sa kasama niya

Wala pa sila hindi ko na rin matawagan ang mga kasamahan natin ang bilin sa atin kapag pumalpak sila tatawagan natin ang mga magulang ng batang yan. nagpapanggap akong walang malay at nakikinig lang ako sa usapan nila ng banggitin nila sila mommy nag-alala ko kamusta na kaya sila doon kung nasa panganib ako paano pa kaya sila nakarinig kame ng ingay kaya sabay sabay silang bumunot ng baril at ikinasa ito.

Sino yan?! sigaw ng isang lalaki

Sino yan!!!!! pag uulet ng lalaki walang sumagot sa kanila kaya sumenyas ang lalaking to na puntahan ang pinaggagalingan ng ingay may naiwan na dalawang lalaking nagbabantay sa akin sa nakikita ko ngayon marami sila siguro nasa mga trentang katao.

Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko sa likod kaya lumingon ako kahit nakatakip ang kalahati ng muka niya kilala ko kung sino ito sumenyas siya na wag akong maingay habang tinatanggalan niya ko ng tali sa kamay hindi napapansin ng dalawang lalaking ito si ash.

Wag kang gagawa ng kahit anong ingay. sabe niya tumango lang ako sa kanya. Nang tuluyan na niya kong kalagan sa pagkakatali sa akin may inilabas siyang baril at itinutok iyon sa dalawang lalaking nakatalikod walang ingay ang baril na iyon ni hindi namatay ang dalawa nakatulog lang ang mga ito hinawakan niya ko sa kamay at dahan dahan kameng naglalakad.

Hoy saan kayo pupunta?!!! Sigaw ng mga lalaking kakarating lang galing sa likod ng warehouse nagpaputok iyon ng baril kaya hinatak ko si ash sa may drum na malapit dito at niyakap ko siya at tinakpan ko ang kanyang ulo nakasilip ako sa may gilid kung papalapit na sila sa amin pero nakikita ko sa peripheral view ko na nakatingin sa akin si ash kaya nilingon ko siya napalunok ako dahil sobrang lapit pala namin sa isa't isa.

Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Sa---salamat dumating ka. sabe ko

Tss may payakap yakap ka pa samantalang hindi mo ko pinapansin kanina sa school. bulong niya

Sorry na wag ka malikot para hi--hindi nila tayo makita. nagpaputok ulet sila sa kinaroroonan namin

Yumuko ka tatakbo tayo banda doon. tinuro ni ash yung parte ng warehouse kung saan mas maraming drum ang nakahelera. Nagbilang siya bago kame tumakbo.

Hinihingal kameng pareho ng makarating kame sa pwesto namin sisilip sana siya pero pinigilan ko siya.

Mag-ingat ka. sabe ko tumango siya at muli niyang sinubukang sumilip pero pinigilan ko ulet siya.

Achilles ano ba? inis na bulong niya

Kung mamamatay tayo ngayo--- hindi niya ko pinatapos sa sasabihin ko

Walang mamamatay hindi ko hahayaang mangyari yon. itinutok niya ang baril niya sa lalaking papalapit sa amin at wala pang ilang segundo nakatulog na ang mga iyon madilim sa parte na ito kaya hindi nila kame makita.

Masyado silang marami nauubusan nako ng pampatulog kailangan na nating makatakas. aniya

Ash kung mamamatay tayo ngayon. pag uulet ko at tinaasan niya lang ako ng kilay

Ang kulet mo. sabe niya

Kung mamamatay ako ngayon. binago ko ang sinabe ko kaya kunot noo niya kong tiningnan

Tss hindi nga hindi ka mamamatay. sabe niya

Kung mamamatay ako ngayon sagutin mo na ko atleast mamamatay akong masaya. sabe ko at binatukan niya lang ako

SANATempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang