Chapter 14

66 6 0
                                    

Achilles POV

Hala bakit sinadya ni kent magpatalo. si tala

Siraulo anong ginagawa niyan. si cash

Sa tingin nyo kaya ni ash yan? si riri

Oo naman yes ano ba kayo wala kayong believe kay ash? si kev

Kailangan niya makabulls eye para matalo si raneel at ang susunod niyang makakalaban ay si sheena. si juno

Ang iingay nyo manuod na nga lang kayo. sabe ko

Ayan na punyeta ses kinakabahan ako. si riri

Putang ina talo pa sa kaba kapag nanalo. si cash

Lahat kame ay naka focus kay ash na ngayon ay pinakawalan na ang kanyang palaso at wala pang ilang segundo naghiyawan nanaman ang mga tao.

Emeralllddd!!

Wooooo Goooo Ashleighh!!!

Idol ang galing mo!!!!!!

Kent POV

Nice one leigh. bulong ko sa kanya

Punyeta ka bakit mo pinatalo kanina?. tanong niya

May tiwala ako sa kakampi ko eh. sagot ko

Ewww tsamba. si sheena hindi na lang namin siya pinansin.

Nagsimula na ang laban ni leigh at sheena sa round 1 pareho silang naka bulls eye. Sa round 2 na una si leigh nagpakawala ng palaso at naka bulls eye siya anong klaseng babae to napakahusay.

Madaya dinadaya ako! sigaw ni sheena kaya lumapit samin si coach at si Sir Rontos.

Anong promblema Ms. Alejandro? si sir rontos

Maluwag ata itong pana na binigay sa akin. si sheena

Sige papalitan namin. si sir rontos

Ang gusto ko ay ulitin ang round 2 at magpapalit kame ng pana ni Imperial. si sheena

Anong eksena ni sheena

Ano ba yan hindi naman siya dinadaya

Malinaw naman na si ash ang naka bulls eye

Tsaka kanina niya pa ginagamit yang pana na hawak niya.

Sige coach ipabura mo ang score ko ng round 2 pagbigyan natin siya akin na yang pana mo. si leigh

Baka naman niluwagan mo na yang pana mo para matalo ako. si sheena

Papartidahan kita para manahimik kana magpapana ako ng nakapiring. si leigh

Tinanggal ni leigh ang panyo niya sa kanyang kamay at nakita ko ang sugat niya mukang malalim.

Oh Ms. Imperial may sugat ka pala ok ka lang ba hindi mo na kailangan mag piring ng mata. si sir rontos

Ok lang po ako para po manahimik na ang isang to. si leigh

Tingnan lang natin katapusan mo na Im the Queen bee remember that kahit sa Archery ako pa rin at walang ng iba nagpiring ka pa ng mata ginagawa mo lang katawa tawa ang sarili mo. si sheena

Mauna ka. si leigh

Nakabulls eye si sheena sa round 2 naghiyawan ang mga taga sapphire.

Ok ka na? hindi yan maluwag naka bulls eye ka na. gusto kong matawa dahil ang lakas niya mang asar.

SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon