Chapter 22

54 7 1
                                    

Rain POV

Rain gising na wala tayong klase ngayon! sigaw ni cash sa labas ng kwarto ko

Ha? Ano ba yun? wala pa ko sa ulirat kaya di ko maintindihan sinasabe niya

Wala tayong klase ngayon! pag uulit niya

Wala pala bakit ginigising mo ko?

Ngayon ibibigay awards natin sa basketball pati na rin sa archery mo halatang di nakikinig sa announcement kahapon tumayo ka na diyan!

Medyo natuwa ako kase walang klase pero bahagyang tinamad dahil wala ako sa mood para humarap sa harap ng maraming tao yung aakyat sa stage para kunin yung trophy tss.

Pagkatapos ko kumaen naligo nako at nag ayos ng sarili buti naman walang pasok hindi ko na susuotin yung uniform naming maiksi yung skirt. Mag faded jeans na lang ako at sweatshirt

Oh ano yang porma mo? si cash na nakataas ang kilay

Bakit may problema ka sa porma ko?

May party after ano ka ba dress ang susuotin diretso sa Sylance hall dahil may party kasama ang ibang school nakakahiya anong porma yan magpalit ka nga. inis na sabe niya

Ano tatayo ka lang diyan?! sigaw niya

Ashleigh Rain ganda ganda ko ngayon wag mo kong artehan. hinatak niya ko papasok sa loob ng kwarto niya.

Aray naman!

Wag mo kong artehan ah. sinimulan niyang suklayan ang buhok ko at kinuha niya yung pangkulot niya.

Bakit ikukulot pa ganyan na lang katulad sayo nakaponytail

Manahimik ka sabe hindi pwedeng pareho tayo hindi tayo sasayaw dun rain tsaka mas bagay sayo ang kulot wag mo na kong gayahin Ariana Grande ang peg ko ngayon.

Hinayaan ko na lang siya dahil ayoko rin naman na pagtawanan sa party dahil pag nangyari yon mapapaaway tong kasama ko dahil ayaw niyan ng sinasabihan ako ng kung ano ano kapag sinabihan mo ko ng panget, malandi, basura at kung ano ano pa hindi ako sasagot pero itong si cash nako armalite ang bunganga nito.

Pumikit ka. sabe niya kaya sumunod na lang ako nilalagyan niya ko ng eyeshadow.

Nako late na tayo. inis na sabe niya

Oh heto suotin mo. inabot niya sa akin yung black dress na kita yung likod at may slit sa kanang hita

Ano yan? pinaghubad mo na lang sana ko. sabe ko

Mamili ka susuotin mo to o nakahubad ka? tanong niya kaya kinuha ko na yung dress na pinapasuot niya

Wow ganda ng friend ko upo ka dito itatali ko yung buhok mo sa itaas habang nakaladlad naman itong nasa ibaba.

Si dark na gamitin natin rain ayokong magmotor ng nakadress. natatawang sabe niya

Kaya sumakay na kame kay dark at minamadali ako nitong isang to late na daw kame.

Achilles POV

Nagsisimula na yung program pero wala pa rin si cash at ash nasan na kaya yung dalawang yun.

Nasan si bebe ash at cash? tanong ni tala kay riri

Nagreply sa text ko otw pa lang daw. si riri

Hoy par tinatawag na tayo. si juno hindi ko narinig na tinatawag na kame sa stage dahil busy ako sa pagtingin sa entrance kung nandun na ba si ash

SANAWhere stories live. Discover now