Chapter 5

90 8 1
                                    

Rain POV

So sinong pipiliin natin Heneral o Utak ng himagsikan? tanong ko sa kanya

Pwede bang si Apolinario Mabini na lang hindi ako makarelate kay Heneral Luna dahil hindi ko naman naipaglaban yung saken. weird na sagot nya

Ha? Anong hugot mo? Sinong di mo naipaglaban?. weird netong unggoy na to

Pano ko ipaglalaban kung sya na mismo ang umayaw at pinili yung iba. malungkot siyang tumingin saken at pagkatapos ay yumuko ito.

Achilles? ano bang nakaraan neto at humuhugot sa assignment namin.

Tumingin sya ulet saken na may malungkot na mga mata. Napakaganda ng mga mata nya kahit malungkot masasabeng may maipagmamalaking kagwapuhan hindi na ata mawawala sa muka niya yon kahit anong emosyon ipakita niya gwapo pa rin kahit siguro nakanganga sya matulog gwapo pa rin.

Ok sige si Apolinario Mabini na lang isend na din natin ngayon kay sir. Pag sang ayon ko dahil ang weird na nya.

Actually nakakarelate naman ako kay Apolinario Mabini kailangan ko na din sigurong kalimutan yung masakit na nakaraan kailangan kong magpatuloy kahit wala na siya gaya ng Dakilang lumpo nawalan man ng silbe ang kanyang mga paa nagpatuloy siya sa buhay. dagdag paliwanag ko

Simula ng mawala siya parang nawalan na din ako ng direksyon parang may isang parte sa katawan ko na nawala pero sa ngayon kailangan ko na din atang gayahin ang utak ng himagsikan na magpapatuloy pa rin kahit anong mangyari lalaban pa din kahit ilang problema pa ang makaharap nawala man yung isa sa mahalagang tao sa buhay ko lalaban pa din. idinagdag ko ito sa unang ko sinabe ngunit sa aking isipan lang dahil ayokong nagpapakita ng emosyon.

Sinong nawala? tanong nya

Ah wala sige type ko na yung akin ha pahiram ako ng computer mo. pag iiba ko sa usapan

Sige lang ano nga pala pagkakapareho natin kung bakit natin sya nagustuhan diba yon ang ilalagay sa last sentence?.

Tapusin natin sa katagang "Once you've accepted your flaws, no one can use them against you"

Ahh sige ok na yon. Nagthumbs up siya saken.

*Tok tok

Mga anak kumaen muna kayo. si Mrs. De Ocampo.

Napatitig ako sa brownies na nasa lamesa mukang masarap gutom na din ako.

Oh leyley iha ayaw mo ba? si Mrs De Ocampo na ka pout pa.

Ah hindi po actually favorite ko po ito. at kumuha nako ng isa.

Ang sarap po. at kumuha pa ko ng isa.

Nakangiteng pinagmamasdan ako ni Mrs. De Ocampo. Medyo nahiya tuloy ako takaw ko ata

Achilles POV

Ang cute niyang kumaen ganito sya kalakas kumaen kaya siguro kahit nasa bingit na kame ng kamatayan nung isang araw pagkaen pa rin nasa isip nya. Natawa ko sa aking isipan.

Matapos namin i-send kay sir sales inalok ko sya na ihatid na sakanila.

Iha sigurado ka ba na hindi ka na magpapahatid kay Achilles? Nakamotor ka pa naman at pagabe na. nag alalang tanong ni mommy

Ok lang po ako kaya naman po. ano pa bang aasahan ko di mo talaga sya mapipilit.

Sige iha mag iingat ka balik ka ha gagawan kita ulet ng brownies. yumakap si mommy kay ash gustong gusto nya talaga si ash di nya alam nambubugbog yan tapos matakaw na cute pa.

SANAOnde histórias criam vida. Descubra agora