Chapter 39

82 5 2
                                    

Kent POV

Sunday ngayon walang pasok nang malaman kong uuwe sa Pinas ang Young Master Dale nagmadali agad ako para masundan ko siya pauwe sa mansion ng mga Imperial.

Nakatayo lang ako sa waiting area sa airport nakita ko na ang Young Master gaya ng dati kahit sa simpleng paglalakad lang ay para siyang nasa isang Fashion show well di nako magtataka dahil siya ang Super Model ng Imperial Clan.

Sumakay na ito sa kotse niya kasama ang Pinakamataas na Punong bantay iba yata ang daan na tinatahak nila mukang may dadaanan pa ang Young Master.

Pumasok sila sa Rial Mall kaya sumunod ako huminto sila sa isang bread shop mahilig ba siya sa tinapay madalas ko kase siyang makitang pumupunta sa bread shop bago umuwe ng mansion.

Ingatan mo yang brownies uno para yan sa mabait kong kapatid. narinig kong sabe ng Young Master at bahagya namang tumawa si Uno.

Hindi mo talaga nakakalimutan bilhan ng paborito niyang pagkaen ang Alas napakadami nito Young Master limang box. sabe ni uno

Siyempre nag iisang babae sa pamilya bukod kay mooch kaya spoiled sa akin ang batang yon limang box kulang pa nga sa kanya yan alam mo namang matakaw ang isang yon. sabe pa ng Young Master.

Si Leigh pala ang tinutukoy niya naalala ko tuloy kung pano siya kumaen pag magkasama kame tama nga naman ang Young Master matakaw nga.

Papasok na sana sa kotse ang Young Master ngunit may babaeng biglang lumapit sa kanya humarang si uno at nang buksan ng babae ang bag niya lumabas na ko sa kinaroroonan ko hindi ko alam kung ano ang kinukuha ng babae kaya tumakbo nako pero biglang may humatak sa akin pabalik sa pwesto ko.

Aa---aray sino ka ba? lumingon ako sa likod ko dahil naiinis ako sa paghatak niya sa akin

Le--leigh? anong ginagawa mo dito? tanong ko

Malamang binabantayan ko kapatid ko. sabe niya

Tss bakit ka susugod eh isa lang yon sa mga fans ni kuya ang hina mo bumasa ng tao itsura pa lang halatang fan girl yung babae. pailing iling na sabe niya

Sinusundan mo rin kuya mo? tanong ko

Malamang lahat sila binabantayan ko dahil ako ang Alas. Hindi nila alam yon dahil palihim ko lang ginagawa ang pag sunod sa kanila. sabe niya lalo tuloy akong humanga sa kanya kahit nag-aaral hindi pa rin niya nakakalimutan yung pagiging Alas niya.

Tara kape tayo. hinatak niya ko pero hinatak ko siya pabalik dahil hindi niya nakita yung paparating na grocery cart na tinutulak ng guard dito sa parking lot sa bandang gilid niya, masyadong malapit ang mukha namin sa isa't isa napalunok ako sa sobrang lapit rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko kilalang kilala niya si leigh ganyan siya kabilis tumibok kapag nandiyan si leigh minsan napapaisip na ko kung puso ko ba to o si leigh talaga ang nag mamay ari nito.

Ga---ganito pala kaganda ang langit sa malapitan. hindi ko alam kung bakit yun ang nasabe ko nag iwas ng tingin si leigh at ganun rin ako kaya lumayo kame saglit sa isa't isa.

Ta--tayo na? sabay kameng nagsalita kaya pareho kameng natawa

Tayo na? kung pwede lang bakit hindi. pabirong sabe ko lumapit siya sa akin at kinurot ang pisngi ko.

Aa---aaray naman leigh. sabe ko

Tara na mag kape na tayo kung ano ano nanaman pinagsasasabe mo. sabe niya

Aa--aaray ganto mo talaga ko dadalhin sa coffee shop? fe--feeling ko mapupunit ang pisngi ko. huminto siya at natawa nagulat ako ng akbayan niya ko.

SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon