Chapter 35

90 7 5
                                    

Rain POV

Friday na ngayon sabe ni cash mauuna na daw siya sa school dahil may dadaanan pa daw siya ang babaeng yon iniwan nanaman ako.

Sa pagmamaneho ko may nakita akong babae na inagawan ng bag kung pwede lang nakapikit habang nagmamaneho ginawa ko na ano ba yan bakit nakita ko pa yon nakokonsensya naman ako kung hindi ko tutulungan lalo na sa narinig kong sigaw ng babae naka uniporme ito gaya ng sa akin sa Sylance din siguro nag aaral.

Hoy balik mo yan nandiyan regalo ko para sa mommy kooooo!!!!! hoy!!!! tulong!!!! sigaw ng babae kaya wala akong nagawa pinihit ko ang motor ko pabalik at hinabol yung lalaki. Nagulat pa ito at napahinto dahil nasa harapan na niya ko mabilis kong pinark ang motor ko at akmang lilihis ng daan ang lalaki kaya hinablot ko ang braso nito.

Saan ka pupunta? tanong ko sa lalaki at nagpupumiglas pa ito kaya pinilipit ko ang braso niya at sapilitang pinaluhod kinuha ko ang bag sa kanya at lumapit sa amin yung mga tanod sa kanto na ito malapit lang yung brgy. buti at nakita nila kame humihingal pang umupo saglit ang babae nang makarating siya ngayon sa pwesto namin.

Miss ito na ang bag mo. sabe ko at tumingala siya sa akin.

A--ashleigh? Thank y---you. nauutal at hinihingal pang sabe ni trisha tss.

Thank you wala naman akong pake kung kunin ng walang hiyang yan yung bag ko dahil marami akong pera duhhh pero kase nandito yung regalo ko kay mommy last stock na kase iyon limited lang kase yung item birthday niya at alam ko gusto niya to kaya pinaghirapan kong makuha kahit sobrang dameng nagpapareserved. maarteng sabe niya at naiilang pa siyang tingnan ako sa mata

Hoy ashleigh mag salita ka nga sabe ko thank you. sabe niya

Edi ok. sabe ko

Ikaw talagang babae ka. akma niya kong hahampasin ng bag niya pero nakatingin lang ako sa kanya kaya itinigil niya yung gagawin niya at inabot ang kamay niya sa akin pero hindi siya makatingin sa akin.

Friends? tanong niya

Akala ko pumapanget ang araw mo pag nakikita mo ko bakit gusto mo kong maging friend? tanong ko

Gusto ko kase pumanget lagi araw ko kase laging maganda ang araw ko lalo na pag nakatingin ako sa salamin para maiba naman din diba? dali na friends na kase. maarteng sabe niya kaya natawa ko sa kanya kahit kelan talaga tong babaeng to inabot ko yung kamay niya kaya tumingin na siya sa akin.

Friends na tayo pwede Frenemy friends na enemy you want that? maarteng tanong niya.

Tss. iniwan ko siya doon at naglakad na papunta sa motor ko nagulat ako ng akbayan niya ko

Thank you ulet frenemy. sabe niya

Ano ba ang likot mo naman bumalik ka na sa kotse mo at mahuhuli na tayo sa klase. sabe ko nginitian lang niya ko at umalis na mabait naman pala ang bruha pa minsan minsan infairness mapagmahal sa magulang.

Ashleigh! pagtawag nito sa akin medyo malayo na siya sa akin ng konti nakasakay na ko sa motor ko isusuot ko na sana ang helmet ko pero tinawag niya ko kaya tiningnan ko siya.

Nung una hindi ako sang ayon sa planong to pero dahil frenemy na kita gagawin ko na ito. Ashleigh ganda mo daw sabe ni achilles!! sigaw nito at tumalikod na.

Tss anong plano pinagsasabe nitong babaeng to. Nang makarating na ko sa parking lot may nakasabay akong classmate ko.

Ash ganda mo daw sabe ni achilles. kunot noo ko lang siyang tiningnan at umalis na siya lumakad na din ako papuntang classroom.

SANAWhere stories live. Discover now