Chapter 11

161 2 0
                                    

Lie

Matapos kumain at makapagbayad ay bumalik kami sa kanyang kotse. Bago pa niya tinahak ang daan pauwi ay napilit ko siyang pumunta muna ng mall. We're running out of time, so we need to rush things up. 10:00 pm pa naman nagsasarado ang mall kaya may dalawang oras pa kaming gugugulin sa loob.

"What are we doing here?" nagtatakang tanong niya habang iginala ang paningin sa loob ng boutique na aming pinasok.

Hinila ko siya sa mga nakahilerang dress. Pinasadahan ko ng aking mga daliri ang tela ng nagustuhan kong damit. It wasn't flashy but it's good enough for its price though.

"I want a prenuptial shoot featuring both haciendas. And uh, an interview from my friend, Klea. We have to buy our outfit for the pre- wedding shoot," excited na sabi ko sabay pakita sa kanya ng napili kong dress.

He knotted his forehead. His face screamed confusion.

Ibinaba ko ang dress na hawak ko.

"Hello? You know...the photo session before ang kasal ng magkasintahan. Yung naghahabulan at nagtatawanan sa dalampasigan, nagsasayawan sa niyebe, umaakyat sa puno ng niyog." Humagikhik ako.

I've seen hilarious pre-wedding shoots sa social media. Yung iba naglalaan talaga ng malaking budget para diyan. Some would even go abroad. Meron namang pinili ang simpleng konsepto lamang. May nakita pa nga akong sa bahay lamang nagpa prenup shoot habang gumagawa ang lalake at babae ng mga gawing bahay. Depende nalang sa magkapareha kung anong concept ang gusto nila.

"Of course, I know what a pre-wedding shoot is. My question is, why do we even need that?" aniya at kumurap-kurap ang mga mata.

"Hindi natin kailangan iyon. But through these photos we can convince people that we're...in love?" Tumango ako. "Yes. Iyon nga. Hindi ko naman iimbitahin ang mga kakilala ko. But they would eventually ask me why I decided to get married to you suddenly."

"Fine," tipid na sagot niya. "Where will we have it?"

Ibinalik ko ang damit sa clothing rack.

"Ikaw? Saan mo ba gusto?" tanong ko.

He shrugged. "You decide. I'm not good at this."

"Sa hacienda nalang namin or sa iyo since doon naman talaga tayo unang nagkita. Pwede rin namang both," I giggled.

Napailing siya habang nakangiti.

"Don't get too excited," paala nito. "Where did the 'simple wedding' go now?"

"I want a simple wedding but at the same time, I want to brag a bit," alinlangang sabi ko. Mahina akong tumawa. "Don't spoil the fun."

"All I understand is I don't understand," usal niya na hindi pa rin mawaglit ang ngiti.

"Just do what I say," masungit kong sabi. "Kahit setup lang 'to, we should atleast make the most out of it. You should cooperate with me. Ako lang naman ang kasagutan sa problema mo."

Narinig ko siyang pumalatak. Umaasa pa naman akong aawatin niya ang sinabi ko ngunit hindi na ito umimik.

In the end, we only bought what we'll wear for the proposal. Saka nalang muna ang para sa pre-wedding shoot dahil wala pa kaming maisip na concept. We talked about how his proposal will be done.

Napagpasiyahan naming sa bahay nalang ang proposal para makita ni Mommy.

"We need to show Mommy that we have developed feelings for each other, so you need to visit me at home everyday. Kunwari nililigawan mo ako. We must make everyone believe that we developed feelings for each other," basag ko sa katahimikan habang pauwi kami.

Up Where We BelongWhere stories live. Discover now