Chapter 41

92 2 0
                                    

Stay

"Has it been more than a year since we came here together to party?" puna ni Rosie habang sumisimsim nga alak.

"Kayong tatlo lang 'yon. Wala ako," sabad ni Camille.

Wala si Klea dahil busy ito. Mabuti nalang at nariyan si Zam at Rosie para samahan kami.

"Why are we here anyway? Mas gusto kong matulog. Graduate na ako sa ganito," si Rosie na hindi naman halatang napilitan.

"Ako, hindi pa. Gusto ko pang magpakalunod sa alak at sumakit ang mga buto sa kakasayaw, " natatawang sabi ni Camille.

"Tiff!"

"Huh?" I glanced at Zam who was looking at me.

Zam sighed deeply. "Ba't ang lalim na naman ng iniisip mo? Natutulala ka na naman."

Nakita ko si Kuya Terron sa hindi kalayuan. The woman he's with was staring at him with so much admiration. She listens attentively and smiles as Kuya Terron speaks. Tila entertained ito sa kinikwento ng isa. I looked away. I do not want him to see me here. Na hindi ko rin alam kung bakit. Siguro ay nahihiya akong malaman niya na sa kabila ng pag-uusap namin ni Gab, mas lalong nagkalamat lamang ang aming relasyon.

"Nothing," I said.

"Nothing means there's something," he replied.

Napabuntong-hininga ako nang may maalala.

"Ito, oh," alok ni Rosie sa'kin ng shot glass.

Umiling ako. "I don't drink anymore."

"Since when?" si Zam.

Hindi ko na maalala. Just the sight of the liquor makes me want to puke. Nagkibit-balikat ako at humilig muli sa backrest ng couch.

"Okay lang 'yan. Hindi naman kita pipiliting uminom kahit ikaw ang matapang mag-aya na pumuntang bar. Ang importante ay lumalabas ka at kumakain," Rosie said.

Nakita kong nagbulungan ang dalawa. Hindi ko alam kung ano na naman ang kinwento ni Camille sa kanila. Halos magdadalawang linggo na rin simula noong eksena namin ni Gab sa condo. Simula noon, hindi na talaga kami nagkita at nagkausap.

"Uy! Sayaw tayo," anyaya ni Zam. Nakatayo ito habang hawak ang palapulsuhan ko.

"Sige. Sumayaw na kayo doon kung ayaw niyong uminom. Susunod ako. Mga bruhang 'to. Nagbabagong-buhay na nga ako, eh. Sinama niyo pa ako dito," si Rosie bago tinungga ang laman ng glass. She drinks occasionally but she hardly gets drunk which is a mystery.

"Nasaan si Camille?" tanong ko.

Kumunot ang noo ni Rosie. "Nandito lang 'yon kanina, diba?"

"Baka may nakitang kakilala. Hayaan nalang natin. Matanda na naman siya," hagikgik ni Zam at inakay na ako patungong dancefloor.

I glanced at the direction where I saw Kuya Terron and he's no longer there. Ibang lalake na naman ang kausap ng babae.

The DJ turned the music loud and the people were going wild as I'd never seen before. Huli ko na nang maramdaman na hindi ko na kasama si Zam. Sa dami ng tao hindi ko na matunton ng mata ko ang pigura niya. Napapakalabit ako sa mga nakasuot ng flower-printed polo na parang katulad ng kay Zam sa pagbabasakali na siya iyon.

Maybe, he just went with somebody he locked eyes with earlier in the dancefloor. Parang ganoon lang naman kasi ang signal kapag may tipo siyang nilalanga at parang magic rin, they feel connected already.

I decided to go back to Rosie who's still on the VIP floor but as I walked towards the couch where we seated, it's already vacated. Rosie might have followed us and is looking for us. Pero kung babalik ako sa baba ay baka magkasalisihan lamang kami kaya't nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa narating ang couch at umupo ulit.

Up Where We BelongМесто, где живут истории. Откройте их для себя