Chapter 42

101 3 0
                                    

Paper

Zam nodded like he was convincing himself to believe what I just said. Ilang sandali pa at tinahak na namin ang daan patungong bahay.

The car was filled with silence I could hear crickets from somewhere. Ang babae ay tahimik lamang na nakamasid sa labas. Si Zam ay seryoso naman sa pagmamaneho.

Lumalim ang paghinga ko at nasisiguro kong nakikiliti na ang parteng leeg ko dahil sa posisyon namin ni Gab. Yumakap pa ang braso ni Gab sa tiyan ko hanggang sa halos sumubsob ang ulo niya sa dibdib ko. I'm wearing an off-shoulder top and I will have wardrobe malfunction if he keeps moving unsteadily.

Mabuti na lamang at may sari- sariling mundo kaming lahat sa loob ng kotse or else mahihiya talaga ako sa estado naming dalawa. Not that I couldn't take to be clingy with him around my friends, but this is not something that I wanted them to see.

Sa naisip na lasing siya at ginagawa niya ito ay nasasaktan ako. It only means he could do it to anyone. Maliban na lamang kung nakikilala niya talaga ako at aware siya sa mga nangyayari sa paligid niya kahit na nakainom. I'd never seen him so drunk, so I really don't know what to assume in this situation. But, nevertheless, I really missed getting so close to him as this.

Pagkarating sa bahay, tinulungan ako nina Zam at ng babae na maihatid sa loob si Gab. I still have the key with me, so we didn't have problem opening the gate and the house.

Nilibot ng dalawa ang mga mata sa loob ng bahay matapos pinwesto si Gab sa sofa at pinahiga doon. Nasisiguro kong malalim ang tulog niya dahil hindi nito naramdaman ang pagbawi ko ng kamay.

"Wow. Ang ganda! It's not as big as I expected but this is warm and cozy," sabi ni Zam at humilata din sa kabilang sofa. Ang babae naman ay panay sulyap sa akin at sa portrait namin ni Gab noong kinasal kami.

"Ikaw yan?" turo nito sa larawan ngunit nakatingin sa akin.

I nodded. "Yes."

Tumuwid ng upo si Zam at kumunot ang noo. Sinundan ng tingin ang paglapit ng babae sa dingding at nang tumingala ito ay tumayo si Zam at lumapit na rin dito.

"Ang ganda ng mga mata mo, nangungusap," she said in a low tone but enough for me to hear.

Pumwesto si Zam sa likuran nito at humalukiphip. "Tingnan mo siya sa personal. Huwag diyan sa larawan."

Hinarap siya ng babae at inirapan. Nilagpasan niya si Zam at lumapit sa akin. Her eyes scanned my face for a while then she stepped back. "Pahinging tubig, please."

I stood up and went to the kitchen to get water. Napansin kong walang halos laman ang ref. Tubig na lang yata ang nakaimbak doon. Pagbalik ko may dala na akong pitsel at baso.

Mabilis na nagsalin ng tubig ang babae at nilagok agad iyon. Halatang uhaw ito dahil kumuha pa ito ng tubig.

"Thank you, Miss."

"Tiffany," pakilala ko. Nakita kong tumango siya.

"Sierra," sambit niya. "And he is?" sumulyap kay Zam.

"Luis Zamuel Tan." Hindi napigilang itirik ni Zam ang mga mata nang banggitin ko ang buong pangalan niya. "Zam for short." I smirked at him.

"Oh," ani Sierra at bahagya siyang nilingon, perhaps, to annoy him.

Her natural brown cascaded perfectly down her back. Her brown almond-shaped eyes that match her hair make her more attractive. Matangos ang ilong at manipis ang mga labi.

I caught Zam looking at her intently. What the hell is happening?

Hindi naman ito kailanman nakipagrelasyon sa lalake pero alam kong bakla ang kaibigan namin. Or did we just assume that he is? He never said anything. We just considered as that because that's how we see him, and everyone thinks that he is because he's acting like one. Hindi ito nakikipagkaibigan sa mga kapederasyon nito at iyon ang nakakapagtaka. Kaming apat na babae ang lagi nitong kasama.

Up Where We BelongWhere stories live. Discover now