Chapter 02

268 5 4
                                    

Gem

Zam was covering his head while walking. He asked me to join him to visit the coconut plantation. Napatingala ako sa mga nagtatayugang mga puno ng niyog na hitik sa bunga. Nakahilera ang mga iyon at maganda sa mata kaya di ko mapigilang mamangha.

When was the last time I admired this place? Noon, hindi ko nakikita ang ganda ng lugar. It looked so plain to me. Now, I couldn't resist but marvel at its beauty.

Sumandal ako isang puno doon. Napatawa ako nang makita si Zam na takot na takot dumikit sa alinmang puno.

"Hindi ka ba takot mahulugan ng bunga ng niyog?" Balisa itong tumingala sa taas at napaatras ngunit nang lumingon ito, namalayan din nito na may malapit na puno kaya bumalik ito sa direksiyon ko.

Tumawa ulit ako. "Hindi naman."

"We could be killed by a falling coconut! Kung hindi man sa ulo ang bagsak, baka sa ibang parte ng katawan natin!" Marahas nitong pinilig ang ulo nang sa tingin ko ay may rumehistro na eksena sa isip niya. "Ayoko nang isipin. Sana pala nagdala ako ng helmet for protection."

I bit my lower lip before I replied seriously. "We have only about 1 in 250 million chance of being killed by a coconut. Mas nakakatakot maiwan, Zam."

"Uy! Ang drama nito. Umalis na nga tayo dito. Baka kung ano na naman ang maalala mo dahil lang sa niyog," aya nito sa akin at inabot ang kamay ko. Nagpatianod na lamang ako hanggang sa nakalabas kami ng niyugan.

"How come that you knew about it and I didn't?" wala sa sariling tanong ko. Maliban kay Klea, Rosie at Camille, isa din ito si Zam na nakapansin sa kakaibang pagkakaibigan ni Aldrin at Fatima.

I just wanted to confirm. It doesn't hurt that much anymore to talk about it. As far as my self-worth is concerned, I am in the process of analyzing what happened. I know I should not rely on someone else for my self-worth, but my curiosity has been bothering me lately. I wonder what did go wrong.

Nagsalubong ang dalawang kilay niya at ilang sandali pa bago nahinuha ang ibig sabihin ng tanong ko.

"Maybe, I have woman's instinct that you don't have," sagot nito na nagpatawa sa akin.

Parang tama nga si Zam! I acknowledged that. I failed to connect the dots. 

Some people called me naive and too trusting.

I was blind.

Or rather, I chose to be blind.

Ngumiti si Zam nang malapad nang makita ang reaksyon ko.

My mind was having trouble accepting the idea that Aldrin came to dislike me for being so prudish. It's a lame excuse to cheat! We never kissed.  He never demanded for anything. He even told me we could wait until our wedding day before doing it. And I thought I loved him even more because of that. Hindi naman sa hinihingi kong halikan niya ako noon, but now I couldn't help but think na baka hindi niya talaga ako kayang halikan because he just couldn't do it. Dahil hindi naman talaga niya ako mahal.

Sa totoo lang, dapat pa talaga akong magpasalamat!

Iwinaksi ko ang lahat ng iniisip. I went out to relax my mind and not to feed negative energy in my whole system.

Sunod naming tinungo ang taniman ng mais. Natanaw namin sa di-kalayuan si Bruno na naghahakot.

Siniko ko si Zam. He turned to me, looking disappointed. "Ano?"

"Wala pa akong sinasabi. Bakit ka mukhang iritado diyan?" nakangising turan ko at ngumuso sa direksyon ni Bruno.

"Alam mo bang malaki ang tampo ko sa Bruno-ng iyan!" He dramatically pointed at Bruno and then massaged his temple.

Up Where We BelongDonde viven las historias. Descúbrelo ahora