Chapter 15

189 4 0
                                    

Proposal

I stood there as I watched his car leaving. I rushed inside the house. Mahimbing akong natulog katabi ni Tita Julia.

Nang sumunod na araw ay sabay kaming bumalik ni Gab ng Tarragona. Maaga pa kaming bumiyahe dahil kailangan kong bumalik ng eskwelahan kahit Linggo para sa closing ceremony kinabukasan. Gab even helped in the stage setup. Wala naman itong pili sa trabaho. Walang duda na napaniwala namin ang mga kasama ko dahil nga akala talaga nila ay boyfriend ko siya.

"Attorney, sumama kayong dalawa sa Palawan ha," imbita ulit ni Edna nang natapos na naming gawin lahat ng kakailanganin para bukas. "Ito kasing si Tiffany parang nagdadalawang-isip pa. Wala daw siyang jowang makasama," sabi nito sabay sulyap sa akin.

I breathed heavily and pretended not to listen.

"Oh, when is it?" ani Gab at bumaling sa akin.

"Next month sana," Edna replied. "Okay lang ba sa inyo, Attorney?"

"We'll see our schedule. Tiff told me about your invitation but we have things coming up this month so we can't give a sure answer now," Gab explained.

Hindi ko kailanman nabanggit ang bagay na iyon sa kanya.

"Oh," sambit ni Edna.

"We'll share some good news soon," Gab said meaningfully.

Edna winked at me na tila alam ang mga mangyayari. Hindi ko nalang siya pinansin.

I could see that Gab was weighing things down for the days to come. We couldn't just simply announce the wedding not unless Mommy sees him drop his knee to the ground, waiting for my 'yes'.

"We understand, Attorney. Iba talaga kapag busy," si Bella.

"It can't be helped. But thanks for inviting," Gab answered apologetically.

Hinatid ako ni Gab sa bahay pagkatapos ng buong maghapon na pag-aasikaso para sa programa bukas. Kasama rin namin siyang kumain ng hapunan ni Mommy. Hindi siya makaayaw nang hinila siya ni Mommy sa mesa at dala na rin ng gutom ay nagpatianod na siya.

"May nagluluto ba para sa'yo sa kabila, Gab?" Mommy asked.

"Yes, Tita. May mga kasambahay po na naglilinis ng bahay at nagluluto. But, when they're not around, I cook for myself," sagot ni Gab.

"Dadalawa lang naman kami ni Tiff dito palagi. Dito ka nalang kumain," she offered.

Hinuli ni Gab ang kamay ko na bahagyang nakakuyom at hinagod iyon ng kanyang hinlalaki. Nakita ko siyang lumunok bago bumaling kay Mommy.

"I would love to, Tita. I want to see your daughter everyday," Gab softly said while caressing my hand with his thumb.

Mommy gave me her "I-told-you" look. I smiled at her, and I can see that she's happy with whatever I have with this man beside me.

Natapos agad ang programa nang Lunes. Nayakap ko ang mga bata dahil hindi ko na sila makakasama ulit. Sapat na ang ilang buwan na nagsama kami para mag-iwan sila ng puwang sa puso ko. I've always treated them as my own children.

Dahil simula na nga ng bakasyon ay mas malimit kaming lumalabas ni Gab. Doon namin nagagawa ang follow up para sa kasal at mag-update hinggil sa aming arrangements. Tinotoo nga nito ang alok ni Mommy na doon kumain sa bahay kaya napagtibay tuloy ang paniniwala ni Mommy totohanin na naming dalawa ang pagsasama.

"Is Tita Delia not coming tonight?" tanong ni Joriel habang abala ang lahat para sa birthday celebration niya. He took with him Brianna and Ralph. Hapon na sila dumating dahil bumili pa sila ng mga ihahanda para sa munting party mamaya. Si Tita Julia at Tito Ariel ay may inaasikaso raw at hindi makakadalo.

Up Where We BelongTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang