Chapter 37

92 3 0
                                    

Birthday

Lumipas ang mga araw at naging mas matamis ang pagsasamahan naming dalawa ni Gab. I feel like I can live like this forever. Every night, we would cuddle and sleep peacefully in each other's arm. Nagsimula na rin siyang magturo pagkatapos ng trabaho niya at so far wala namang problema. Pagdating ng bahay ay sabay kaming kakain at magtatrabaho ng kaunti at matutulog na ng sabay.

"Bakit ka umiiyak?"

Nagising ako sa boses ni Gab na may kinakausap sa kanyang cellphone. Sandaling katahimikan bago nagsalita ulit.

"I'm sorry. I really can't come. I'm with Tiffany. Hindi ko siya basta-basta lang iiwan dito na mag-isa."

Tila may humaplos sa dibdib ko sa narinig at gusto kong kiligin ngunit pinapaalahanan ko ang sarili na huwag lumikha ng ingay.

"I'll go with you, tomorrow. Don't worry. Just sleep it off for once and we'll try to see how we can fix your problem. Ipahinga mo muna iyan. Okay?"

Sino naman kaya iyon? Malabong kliyente niya iyon kung ganoong parang kaibigan lang ito makipag-usap. At bakit hating-gabi ay tatawag ito para papuntahin doon si Gab?

Mayamaya ay narinig kong bumuntong- hininga si Gab at humakbang palapit sa kama. Tanging ilaw lamang na nagmumula sa lampshade ang nagbibigay liwanag sa kwarto at hindi iyon nakatulong para bumalik ako sa pagtulog. All I could feel is Gab's warmth against my back. He nuzzled his head on my neck and his breath fanning against my skin and his hand resting on my belly only made the butterflies on my stomach go wild.

Nangilid ang luha sa mga mata ko at pinipigilan ko ang humikbi para hindi mapukaw ang pansin ni Gab na humigpit pa lalo ang yakap sa akin. Sukat isipin na aalis din ito bukas para samahan kung sino man iyon ay mas lalo lamang nagpatibay ng paniniwala ko na hindi pa talaga ako handa magtiwala.

"I love you, babe," bulong nito na nagpamulagat sa akin.

Does he realize I'm awake and have been listening to his convo with the midnight caller?

At alam din ba nito kung anong meron bukas? Ayoko namang umasa pero sa kaloob-looban ko, I'm expecting him to know about it.

Hindi ako sumagot dahil nga tulog ako. Diba? At isa pa, I'm not yet ready to answer it although I know my answer already. Noon ko pa iyon alam sa sarili ko. Naunahan lang niya ako.

Maaga akong gumising para maghanda ng agahan. Bahagyang nagulat pa ito nang madatnan ako sa kusina at naghahain ng pagkain sa mesa. Kumain na kami kahit kanina ko pa hinihintay na may gagawin siya.

It looks like he really doesn't know. Ano pa bang aasahan ko?

"I told you I'm going back to hacienda today," sabi ko at ngumuya.

Kumunot ang noo niya. "Did you? Hindi ko maalala. I would have remembered if you did." He looked like he really didn't really remember I said it.

I cocked an eyebrow. "Yes. You were too preoccupied that time so you might have forgotten about it easily."

"Wait for me here. Sasamahan kita," he said firmly as he looked at me.

"I can drive myself, Gab. We talked about it already. Hindi mo ako kailangang ihatid. Don't worry about me. I'll be fine. Alam kong busy ka at may nakaline-up na gagawin ngayong araw."

He shook his head and then sighed. "I'll go with you. Wait for me here. May pupuntahan lang akong sandali. I'll be back right away."

"Saan ka pupunta?" hindi ko na napigilang itanong.

"Kay Ralph."

At hindi ako naniniwala. Si Ralph ba ang tumawag sa kanya nang madaling araw? Eh, mukhang babae naman 'yon!

Up Where We BelongWhere stories live. Discover now