Prologue

522 8 64
                                    

"Hi, friend!"

Malayo pa lang ay narinig ko na ang boses ni Zam nang mamataan akong pababa ng escalator. May pagmamadaling sinalubong niya ako ng yakap. Nagbeso siya sa akin bago pinasadahan ng tingin ang kabuoan ko.

"Zam!" Niyugyog ko ang dalawang kamay niya.

Ngumiti ito. He scanned me again as if checking for changes. "Wow. Hindi naman halatang prepared masyado ang bride, ah!"

I didn't know what he meant by that. Maybe, I've become fairer than the last time I left. Or dahil nga todo alaga nga naman ako sa sarili ko ni kahit isang taghiyawat lang ang tumubo sa mukha ko ay naghihisterya na ako.

Inagaw nito ang isang luggage ko at nauna na sa paglakad.

I flipped my hair. "Of course. Hindi pwedeng masapawan mo ang ganda ko," I confidently said, pulling my other luggage as we walked.

"Ganda yarn? Pero seryoso, kamusta na? It's just been a year since the last time we met, parang hindi na kita makilala. "

I sighed and then smiled. "I'm okay. Medyo sabog lang dahil abala sa paghahanda sa kasal."

Kailangan kasing pumunta ni Aldrin last week sa Australia at may aasikasuhin na project doon. May inayos muna sa trabaho. Hindi na namin nagawang magkita ulit bago ako umalis ng Hong Kong dahil alam kong busy na siya at paalis na nga ako.

"Sabog ka pa sa lagay na yan?" ismid nito nang nilingon ako.

Hindi na kami masyadong nag-usap but in my heart I know everything is going smooth for our wedding.

"Chill, Tiffany. Kapag ganyan ka, talagang masasapawan kita!" untag nito nang hindi ako kumibo.

"Ayos lang!" I simply said it like it wasn't a big deal. "Aldrin will still choose me." I winked at him.

He scoffed. "Hindi natin sure."

I furrowed my eyebrows. "What do you mean?"

"Hindi ko pa siya naaakit. Ayaw mo kasi akong payagan."

"Zamuel!" Pinilit kong gawing seryoso ang boses ko. But deep inside, I wanted to laugh at him. He would always tell me he's going to seduce Aldrin.

Pinaningkitan niya ako ng tingin. "Don't use that against me, girl! You know I've been wanting to forget that name. Sabi ko sa'yo ako si Zamantha"

"It didn't change the fact that you're still Luis Zamuel Tan."

"Sige. Tama na! Suko na ako. Tawagin mo na ulit akong Zam."

"Iyan lang pala ang kahinaan mo, eh."

"Kahinaan ko ang lalaki."

"Bakla ka talaga."

"Ikaw. Parang bakla kung magmahal."

Nagulat ako sa akusasyon niya. I raised a brow. "Gaga. I am not. I am in a very healthy relationship. Patas kami pagdating sa effort, " pagdidiin ko.

Sumakay agad kami nang dumating ang sundo ko. Magkatabi kami ni Zam sa backseat. He said, a friend dropped him to the airport so he didn't have his car. Hindi na ako nagtanong kung babae or lalake ang friend na iyon.

Diretso ako ngayon sa bahay namin sa Manila. Mommy will be there waiting for me. Hindi na ako nagpasundo sa kaniya dahil si Zam na ang nag-alok na maghintay sa akin. Wala naman siyang gagawin ngayon kaya marami siyang time.

"Excited na akong magmake-up sa'yo sa wedding day mo. Pwede ba paki-usog ng araw?"

"You don't know how to do it. My gosh, Zam, huwag mong pagdiskitahan ang mukha ko!" May plano pa yatang gawin akong clown sa kasal ko. He's a self proclaimed make-up artist. He thinks he knows how to do it, but really he doesn't. I can attest to that. "May napili na akong make-up artist. At huwag mo akong madaliin. Hindi pa pulido 'yong paghahanda namin."

Up Where We BelongWhere stories live. Discover now