Chapter 03

239 8 13
                                    

Baffled

"I always deserve the best treatment because I never put up with any other," basa ko quote sa back cover ng librong hawak ko. Plano ko sanang basahin ngayong araw. I've been dealing with a reading slump at gusto kong ma-overcome sana iyon.

I used to devour books but it's hard for me now to even finish a single chapter.

Tumawid ako para marating ang kubo sa kabila. Naagaw ng pansin ko ang malaking ugat ng puno. Doon muna ako umupo pansamantala at nilinga ang paligid.

Ilang araw na akong pabalik-balik sa lugar na ito. I think I found my safe space. I love staying here every afternoon.

Gusto kong tanungin si Mommy ng tungkol sa bahaging ito ng hacienda pero hindi pa siya nakakauwi.

Itinuon ko muli ang mga mata sa libro at binasa ang synopsis. Dinampot ko lamang iyon sa mula sa collection ko ng books sa bahay. I bought most of my books. May iilang regalo lamang sa akin ng mga kaibigan at kakilala dahil hindi naman lingid sa kanilang kaalaman na hilig ko ang magbasa.

Lumipas lamang ang mahabang sandali, I still couldn't kick-start reading. Napabuntong-hininga ako at tumayo. Tinungo ko ang kubo at gaya nga ng ginagawa ko halos mag-iisang linggo na, nilapat ko ang likod sa malamig na kawayang-sahig.

Zam, walang engkanto sa lugar na ito gaya ng sabi mo.

Noong huling tumawag siya, nakarating na ito sa Australia. I am happy for Zam. To be offered such a big opportunity is an achievement. He had been waiting for that for so long to work in the international arena.

I expected Rosie and Klea to visit me tomorrow. Gusto ko rin naman na nandito sila dahil may nakakausap ako.

A moment after, dinalaw na ako antok.

                              ***

"Mommy, what do you think we can do about that land beyond the brook?" I asked Mommy while folding my clothes.

We just had our lunch and decided to clean up my room ourselves.

Nahihiya akong magpalinis sa mga kawaksi. Nagsasalansan si Mommy ng mga damit ko sa aparador.

She turned to me, looking surprised.

"Did you go there?"

"Yes, Mom. Nothing grows in there but tall grasses. Sayang naman. I hated seeing it like that dahil pwede namang mapakinabangan iyon. It's really perfect for my plan, Mom. You see, it's a potential land to grow flowers," sabi ko.

Napailing si Mommy. Halatang hindi kumbinsido sa suhestiyon ko.

"Hindi na iyon parte ng hacienda natin, anak." Napaismid siya ng bahagya.

I sighed. "We can talk to the new landowner and maybe negotiate about the price of that land, can't we? Baka binebenta din niya." Humalukiphip ako. "Isn't it Nick?"

His grandparents used to visit our house before. A year ago, namatay si Lola Mercedita at 1 month after ang asawa naman nito na si Lolo Carlito. Huli ko nalang nalaman. Si Nick ang kanilang apo kay Ramil na nag-iisang anak ng mag-asawa. Sa kasamaang palad, namatay na rin si Ramil sa isang aksidente.

Maraming beses ko nang nakita si Niccolo Ramirez. Noong college kasi, maugong ang pangalan nito sa buong university. I've never seen him stepped on their hacienda dahil nga hindi naman ako kailanman nakaabot doon. At hindi rin ako nakatapak sa kanilang bahay.

"Okay," alinlangang sagot niya. "Siguro kapag alam na natin kung sino talaga ang kasalukuyang namamahala ng hacienda ay madali nalang sigurong gawin iyan. Nick's a doctor in Manila. Susubukan nating kausapin tungkol sa plano mo. For now, don't ever step on that land beside ours again. Wag kang basta-bastang pupunta doon na mag-isa. It's not for you to explore. You better stay here kapag wala ako or just go anywhere you want to kill your time. Pero huwag doon."

Up Where We BelongWhere stories live. Discover now