Chapter 01

345 7 18
                                    

Healing

"Tita, she won't eat again. She went back to sleep," narinig kong sumbong ni Zam kay Mommy nang palabas siya ng kwarto.

"Oh, Zam! What should we do with her? Nag-aalala na ko kay Tiffany." Narinig ko ang marahas na buntong-hininga ni Mommy.

"Ako din, Tita. Matagal na siyang on hunger strike."

Alam kong nais magpatawa ni Zam pero hindi iyon uubra sa akin ngayon.

Don't they understand that I want to be alone right now?

Simula noong gabing dinala ako dito ni Rosie at Klea sa Tarragona, nanatili rin dito sa bahay si Zam. I understand that they want me to move on but can't they feel that I can't do it just yet?

Isang buwan pa lang ang nakakalipas. Makakalimutan ko ba iyon ng ganoon kadali? Sa tingin ko kakailanganin ko ng mahabang panahon para tuluyang maghilom ang sakit.

"Let's give her more time, Tita. Makakaya ni Tiff iyan. I believe she's a strong woman. This is nothing compared to her strength."

"She is, Zam. But looking at her now, I couldn't help but worry. She wouldn't eat anything. She's just staying inside the room, sleeping, " ani Mommy sa boses na nag-aalala. "Hindi normal 'yon."

"Nadatnan ko siya isang beses na nagbabasa ng libro, Tita. I think that's already a small progress."

"Oh. Do you think so? Thank you very much, Zam. What would I do without you? Rosie, Klea, and Camille kept calling me to check on her. Even when I tried to make her talk to any of your friends, she won't even glance at me. Neither her father nor her brother had made her come out of this room. She won't listen to anyone, not even to me."

"Hindi naman siya nakikinig sa akin, Tita. What difference does it make?" may bahid ng lungkot sa boses ni Zam.

"Oh. Pero kahit papaano ay may karamay siya ngayong panahong kinakailangan niya ng kakampi."

"We can't force her to talk or go out, Tita. We'll be by her side. That's all we can do for now," dagdag pa ni Zam.

"Exactly, Zam." Narinig ko ulit ang pagbuntong-hininga ni Mommy. "When will be your flight to Australia?"

"Two weeks from now, Tita."

Oh. I just found out that Zam is leaving the country soon. Nagkaroon siya ng opportunity magtrabaho doon sa isang malaking project. Nang nakaraan pinag-uusapan pa lang namin kung tatanggapin ba niya ang alok na iyon sa kanya. Ngayon ko lang nalaman na nakapagdesisyon na pala siya.

Ilang sandali pa at narinig ko ang maingat nilang hakbang palabas ng kwarto at ang marahang pagsarado ng pinto. Nagpakawala ako ng hangin at tiningala ang kisame. Mariin kong pinikit ang mga mata at matagal pa bago ako hinila ng antok.

***

"Nariyan pala si Joriel sa labas, anak," imporma sa akin ni Mommy. Narinig ko ang mahinang paglapag niya ng tray sa bedside table.

Nagtalukbong lamang ako ng kumot dahil alam kong papasok siya para dalhan ako ng breakfast. Nagtaka ako na siya ang nagdala ng pagkain at hindi si Zam.

"Gusto ka niyang makita pero okay lang naman kung hindi ka pa handa makipag-usap kaninuman."

Matagal na rin ang huling pagkikita namin ng pinsan kong si Joriel. Pero ayoko muna siyang makita ngayon.

May naaninag akong liwanag dahilan para hawiin ko ang kumot na humaharang sa mukha ko. The bright rays of sunshine glinted on my face as I looked straight to the window. Nakabukas na pala iyon. Hinarang ko ng palad ang mga mata dahil nasisilawan ako.

Up Where We BelongWhere stories live. Discover now