Chapter 15

2.7K 84 4
                                    

CHAPTER 15

Nakasakay kami sa sasakyan at siya ang may hawak ng manibela, tahimik pero hindi ko nararamdaman ang tensyon na meron noon.

“And I’d give up forever to touch you just to know that you’d feel me somehow. You’re the closest to heaven that I’d ever be and I don’t want to go home right now…”

“Namiss mo ba ako?”, tanong ko sa kanya.

“And all I can taste is this moment
And all I can breathe is your life
'Cause sooner or later it's over
I just don't want to miss you tonight”

“Ui… namiss mo ba ako?”, pangungulit ko sa kanya.

“And I don't want the world to see me

'Cause I don't think that they'd understand

When everything's made to be broken

I just want you to know who I am”

“Ui! Sumagot ka naman!”, pangungulit ko sa kanya pa lalo.

“Patayin mo muna yung radyo, hindi kita gaano marinig.”, sabi niya sa akin.

“Favorite mong kanta yan diba?”

“Oo…”

“Oo, namiss mo ako?”

“Wag na makulit… mali sa timing…”

“Sabi ko nga e.”, sambit ko sabay tungo at tingin sa malayo.

“Itigil mo na nga yan. Wag ka nang magmukmok… bata?”, sabi niya na hindi ko tinugon, napahya na ako e.

“And you can’t fight the tears that ain’t coming…”, bigla niyang pagkanta na nung tingnan ko siya’y dahan-dahang tumutulo yung luha sa mga mata niya hanggang sa ihinto niya ang kotse at sumubsob sa manibela at tuluyan nang bumuhos ang lungkot niya.

“Sino sa atin ang parang bata ngayon?”

“Gago! Siraulo! Kasalanan mo ito e.”

“Tahan na…Sorry na”

Itinaas niya yung ulo niya at nakita kong basang basa yung mata niya.

“Hindi ka pa rin nagbago, iyakin ka pa rin.”, pang-aasar ko sa kanya.

“Ikaw lang naman laging nagpapaiyak sa akin e.”

“Sorry naman. Wag ka nang umiyak…”

“Minsan lang kasi… parang ang hirap tanggapin na wala na yung isang tao. Lalo pa’t alam mo kung gaano kahirap kung wala siya sa tabi mo.”

Later (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon