CHAPTER 5

3.6K 102 3
                                    

CHAPTER 5

“Gin!”, pasigaw niyang tawag sa akin na tinugon ko lang ng pagtango.

“Salamat sa ginawa mo kanina. I appreciated it.”, masaya niyang sambit nang makarating ako malapit sa tarangkahan namin.

“Wala yun. Tinupad ko lang yung pangako ko. Sige, bukas na lang tayo mag-usap, medyo napagod kasi ako sa dance rehearsals kanina.”, sabi ko para maiwasan kong makausap na siya. Hindi ko talaga siya gusto kasing makausap muna at sa tagal ng pagkakaibigan naming, ngayon ko lang ito naramdaman. Pakiramdam ko e basted ako kahit na hindi naman ako nanliligaw at kahit na hindi ko pa nga napapaalam ang nararamdaman ko na sa kasalukuyan e wala naman akong balak talagang ipaalam.

“Sorry na.”, mahinang usal sa akin ni Xander.

“Bakit ka nagsosorry?”, tanong ko sa kanya.

“Dahil hindi ako nakikipag-usap sa’yo nitong mga nakaraang araw? Dahil malabo ako? Dahil panay ang away ko sa’yo? Sorry na…”, si Xander na malamlam ang mata at halatang sinsero sa paghingi ng tawad.

“Bakit ka ba kasi nag-iinarte pa?”, pagalit kong tugon pero may tono na ng lambing dahil tulad ng dati e hindi ko naman siya kayang tiisin.

“Eh kasi… ewan. Basta para kasing ano e…”, di niya mapakaling sabi

“Parang ano?”

“Wala. Yung diba minsan may topak.. parang ganun lang.”

“Ahh.. siraulo ka! Topak mo pati ako nadadamay. Umuwi ka na nga.”, naiinis kong sagot.

“Hindi ka na pwedeng magalit! Nagsorry na ako e!”

“At utang na loob ko pang nagsorry ka?”

“Syempre hindi. Ang sa akin lang e dapat hindi na tayo nag-aaway pag may naggive- way”

“Gumaganon ka pa? Sige na. Ok na tayo basta wag na tayong mag-inartehan pa dahil hindi bagay sa atin.”, natatawa kong sambit.

“Namiss kita…uhmm… kasi diba ano… yung madalas kitang ano..”, nauutal na sambit niya.

“Oo na! Ang arte mo na naman!”, natatawa kong tugon. “Sa loob na lang tayo at dito ka na maghapunan sa amin.”

“Dito na rin kaya ako matulog?”

“Bahala ka. Wala namang pipigil sa’yo e”, sabi ko at pumasok na kami sa loob ng bahay tapos ay sinalubong naman agad kami ng mga magulang ko.

“O Xander! Kamusta ka naman? Matagal ka naming hindi nakita a. Busy na ba sa school o baka naman may girlfriend ka na?”, si Papa habang inaassemble ang plato sa hapag na tinulungan na rin namin ni Xander.

Later (boyxboy)Where stories live. Discover now