Chapter 3

4.2K 126 3
                                    


CHAPTER 3

Nang makarating kami sa bilyaran ay nakita ko na nakabulagta ang kaibigan ko sa sahig habang nakatutok sa kanya ang isang paltik. Sa totoo lang, nagfi-freak-out na ako sa loob ko pero hindi ko pwedeng ipakita yun kaya dito ko mailalabas ang natutunan kong ‘angas’.

“Tama na.”, kalmado kong sabi sa lalakeng may hawak ng paltik.

“Uy… may isa pang maangas na dumating.”,anas ng isa sa mga kabarkada ng gumulpi sa kaibigan ko.

“I come in peace. Wala akong balak makipagbasagan ng mukha sa inyo, kukunin ko lang yung kaibigan ko.”, usal ko.

“Ano tingin mo? Ganun lang kadali yun? Nanggulo dito sa amin yang kabarkada mo tapos darating ka para arborin lang ito? Gago ka ba?”

“Ako na humihingi ng dispensa sa ginawa ng kaibigan ko. Pasensya na.”, sambit ko sabay lapit kay Xander para itayo ito pero hindi pa ako nakakabwelo ay sinipa na ako sa tagiliran na nagpabulagta sa akin sa sahig. Ilang beses rin akong napaubo dahil parang kinapos ako ng hininga.

“Tang-ina! Ang labo mo palang kausap e.”, sigaw ko sabay sipa sa paa na nagpatumba sa gagong kaaway ng bestfriend ko.

“Puta! Lalaban kang gago ka?”, sigaw ng lalakeng may hawak ng paltik na ngayon ay nakatutok sa ulo ko.

“Kung yang paltik lang ang panlaban mo sa akin e duwag ka naman pala. Iputok mo na!”, sigaw ko.

“Gusto mo na talagang mamatay na?!?!?”, balik sa aking sigaw.

“Oo! Naghahanap lang ako ng damay, gago!”

“Hahaha! Ang tapang mo boy! Ayos ka!”, biglang hagalpak ng lalakeng may hawak na paltik. “Pasensya sa nangyari sa kaibigan mo. Ang angas kasi kanina e kaya binigyan namin ng leksyon. Rick, nga pala.”, abot sa akin ng kamay ng taong kanina lang e kamurahan ko.

“Gino, nice to know you. Kunin ko na itong pabigat na ito. Pasensya na ulit.”, sabi ko sabay abot ng kamay ko kay Rick, ewan ko kung totoo yung pakikipagkasundo niya pero mukhang ayos naman dahil sa itsura nito e mukha namang hindi masamang tao.

“Huwag mo siya laging saluhin dahil hindi araw-araw andyan ka para sagipin siya. Hindi ka niya superhero at kung magawa mo mang sagipin siya e baka ikaw ang unang bumulagta. Paalala lang naman yun.”, si Rick na sinundan ng tapik sa balikat ko.

“Salamat sa concern. Pasensya na ulit. Alis na kami.”, sambit ko sabay kuha kay Xander at sampay sa balikat ko.

“Huwag mo akong hawakan.”, si Xander na may malay na pala.

“Pag ako nabwisit pa sa’yo e ipapatodas na talaga kita dito.”, naiinis kong sambit dahil bigat na bigat ako sa kanya tapos nag-iinarte pa.

Nang buhatin ko siya palayo ay nakita ko si Sydney na nakangiti sa akin na parang nagpapacute at kumakaway pa, hindi ko na nakayang makipagplastikan sa kanya kaya hindi na lang ako gumanti ng ngiti sa kanya. Umalis na lang ako agad nang may nakapasan sa likod ko na mas mabigat pa kesa  sa akin, pumara ako ng taxi at dumiretso kami sa bahay nila.

Pagdating naming sa bahay nila e nakasimangot na agad sa amin si Tito at nang kinwento ko ang nangyari e lalo pang nagpuyos sa galit.

“Ano’ng nangyari na naman sa’yo? Kung makikipagpalit ka ng mukha sa aso e tatanggi yung aso sa mukha mong puro pasa.”, sigaw ni Tito Gary kay Xander.

Hindi naman kumibo na lang si Xander samantalang si Tita Sally ay abala sa paggagamot ng mga pasa ng kaibigan ko.

“Pasensya na po kung hindi ko siya naagapan. Nag-away po kasi kami kanina kaya wala ako sa tabi niya nung nasa bilyaran siya.”, sambit ko para saluhin ang galit ng ama niya sa kanya.

Later (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon