Chapter 12

2.7K 96 2
                                    

CHAPTER 12

XANDER’s Perspective.

                Ilang araw na rin akong walang direktang balita kay Gino at tanging mga balita tulad mula kina Liz ang naririnig ko, nasa funeraria daw siya, malungkot pero kung gaano kalungkot e hindi ko alam… gusto ko sanang bumisita pero parang ang awkward pumunta dun para makiramay gayong hindi ko naman talaga ganon kakilala yung namatay…

“Anak, may bisita ka.”, tawag sa akin ni Manang Azon.

“Sino daw po?”

“Rick daw.”, tugon ni yaya at umalis na ito patungong kusina.

“Bakit ka napadalaw?”, bungad ko kay Rick.

“Huling gabi na kasi ng lamay ni Faye, gusto mo bang sumama sa akin? I think Gino needs some comfort.”, sabi niya sa akin.

“Ahh… ganon ba? Sige, magbibihis lang ako… pero tingin mo ba e ok lang kung…”

“Hindi ako sigurado pero mas ok kung andon ka kesa yung wala ka…”

Hindi na ako kumibo. Sinunod ko na lang yung utos niya. Ewan ko pero parang hindi naman tanong yung sa akin kundi isang assurance na kung may mangyaring kahit na ano pa man ay may sasagot sa akin.

Matapos akong maggayak ay umalis na kami ni Rick papunta sa lamay ni Faye. Lutang pa rin ako kahit na bumibiyahe na papunta sa funeraria, ewan ko pero humihiwalay ang kaluluwa ko sa katawang tao ko, naghahalo ang kaba, takot at kung anu-ano pang kumplikadong emosyon ang sumusuot sa akin.

“Ano bang nasa isip mo?”, tanong sa akin ni Rick na parang nahalata ang pagkabalisa ko.

“Wala naman. Ayos lang ako.”

“Dapat lang na maging maayos ka. Kailangan ka niya ngayon. Hindi man niya sabihin, kailangan ka ng kaibigan mo.”, sambit niya.

“Hindi ko nga alam kung magkaibigan pa rin kami, e”

“4 years ago, ikaw ang buhay niya. Dumating si Faye at nagkaroon ng ibang kulay yung mundo niya pero hindi pwedeng maitanggi na nandoon ka pa rin. Hindi ko alam kung sino ba’ng mas matimbang sa inyo ni Faye para kay Gino pero isa lang ang alam ko, kailangan ka niya ngayon…”, si Rick na nakatingin pa rin sa windshield habang ako naman ay nakatingin sa labas at pinagmumuni-munihan ang mga nangyari noon… noon na ako at si Gino ay malapit pa sa isa’t isa.

                Summer vacation yun, isang linggo na lang bago magpasukan at kakatapos lang ng make-over sessions namin kayanagdesisyon kaming magpunta sa mall para marelax kahit papaano.

“Kamusta na?”, tanong ko kay Gino.

“Ayos! Salamat a! Natutuwa talaga ako sa ayos ko ngayon.”, nakangiti niyang sabi sa akin.

Later (boyxboy)Where stories live. Discover now