Chapter 16

2.6K 89 6
                                    

CHAPTER 16

                Ilang buwan na rin ang lumipas mula nang mamatay si Faye at masasabi kong malaki na ang nagbago, uhmm, at ibinalik sa dati ng kung anuman ang meron sa aming dalawa ni Gino.

“Kring… Kring…Kring…”, tunog ng telepono na nanggising sa akin mula sa pagkakatulog.

“Hello…”, pupungas-pungas kong sagot sa telepono.

“Batugan mo talaga! Alas diyes na, tulog ka pa?”, sabi ng kabilang linya na tiyak ko namang si Gino.

“Linggo naman a! Saka bakit ka pa tumawag e nasa kabilang kwarto ka lang?”, tanong ko sa kanya. May isang buwan na rin mula nang magpasya kaming tumuloy na lang sa isang bahay para mas makatipid sa mga binabayarang utilities at dahil magkapareho na kami ng pinapasukang trabaho, dalawang buwan na rin ang lumipas.

“Nakalock yung kwarto mo e, paano ako papasok niyan?”, sambit niya.

“E bakit ka naman papasok sa kwarto ko?”, tanong ko.

“Para gisingin ka… handa na yung almusal, kumag na ito. Bumangon ka na a. Ayokong kumain mag-isa.”, sabi niya sa akin na nagpangiti sa akin. May mga pagkakataon na nagsusungit siya na nagpapakilig lang sa akin talaga. Hahaha!

                Bumangon na nga lang ako at tinungo ang banyo para maghilamos at sipliyo, ito yung mga araw sa buhay ko na ang sarap bumangon dahil alam kong isang buong araw kami magkukulitan ng bestfriend ko. Habang tumatagal ang mga araw ay parang hindi ko na rin iniintindi ang nararamdaman ko para sa kanya at hindi na rin namin yun napag-uusapan mula nung gabing nagpicnic kami sa lugar na iyon na hanggang ngayon e hindi ko pa rin matandaan kung saan. Matapos akong maghilamos at magsipilyo ay pumunta na rin ako sa hapag-kainan.

“Ang tagal mong bumaba…”, nakasimangot niyang sabi.

“Sinabi mo bang bilisan ko?”, nakangiti kong sabi na parang nang-aasar.

“Hindi ko sinabi pero sabi ko e naghanda ako ng almusal. Amp…”, inis niyang tugon.

Umupo ako sa silya na nasa tapat niya at nagbuntong-hininga saka ako nagsabi ng sorry.

“Wala na lang yun. Kumain na tayo at magpapasama rin kasi sana ako sa’yo mamaya.”, sabi niya.

“Saan naman?”, sabay sundot ko sa hotdog.

“Kina Mama sana… naisip kong tama ka na dapat ko na silang patawarin. Bumalik na ang lahat sa dati kaya wala na akong dahilan para magalit pa sa kanila.”

Ngumiti na lang ako bilang pagpayag sa pakisuyo niya, masaya ako sa ginawa niyang desisyon.

Matapos naming kumain ng agahan ay gumayak na kami para umalis papunta sa bahay ng mga magulang ni Gino. Habang binabagtas namin ang daan patungo sa bahay nila ay nakikita kong medyo balisa siya sa pagmamaneho.

Later (boyxboy)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ