Chapter 17

2.4K 85 5
                                    

CHAPTER 17

Matapos basahin ang sulat ay tiniklop ko muli ito at nang akmang ibabalik ko sa envelope ang sulat ay isang nakatuping papel ang nahulog, pinulot ko ang papel at binuksan ang nakasulat.

“Dear Whoever,

 

I’m torn… I don’t want to live anymore… Just when I thought that life would be good, I thought wrong…  If by chance I’d live after this day, I know I’d live without purpose, I’d live without my heart “

Hindi ko na mabasa ang mga sumunod na salita dahil basang-basa ang papel ng dugo na sa ngayon ay natuyo. Kung titignan ay sulat-kamay ni Gino ito at possible nga kaya na nagtangkang magpakamatay si Gino noon?

Nanginginig ang mga kamay ko habang iniisip ko ang posibilidad na nangyari ang bagay na nasa isip ko, na nangyari ang mga bagay na iyon dahil sa kagagawan ko, dahil sa pag-iwan ko sa kanya. I feel so guilty at lalong lalo na kung nawalan na ako ng pagkakataong makasama siya muli.

“Ano yan?”, tanong sa akin ni Gino habang nakatulala ako’t nakahawak sa suicide note niya noon.

“W..w…wala”, nanginginig yung boses ko nang sumagot ako sa tanong niya.

“Ok ka lang?”


“Ayos lang. Sige, maghahanda na ako para sa paliligo.”

“Teka, ano yang hawak mo?”

“Wala. Napulot ko lang sa mga gamit ko.”

“E ano nga yan? Patingin naman!”

“Wala nga ito! Ang kulit naman e!”, bigla kong sigaw dulot ng kagustuhan kong ilayo sa kanya ang note na nakita ko.

“Kailangang sumigaw? Ano bang problema mo?” mataas na rin ang tono niya.

“Sorry. Maliligo lang ako, mabilis lang ako. Sabay na tayo mag-almusal.”

“Ok. Sige. Kung anuman yang gumugulo sa’yo, andito lang naman ako.”, sabi niya at sinara niya na ang pinto ng kwarto ko. Paano ko ba kasi sasabihin na ang isang hindi siguradong nakaraan ang nagpapabagabag sa akin? Paano ko hihingi ng tawad sa isang nakaraang ako man ay ayaw ko ng balikan? Paano nga kaya?

Mabilis lamang akong naggayak at dumiretso na ako sa hapag para kumain ng agahan.

“Ang sarap ng almusal a!”, sabi ko habang pilit na ipinapako ang ngiti sa mukha ko.

“Sus! Bola! Maling, itlog at sinangag lang yan tapos kung makasigaw ka ng sarap dyan?”

“Ikaw kasi ang nagprepare at ikaw ang kasalo ko kaya masarap! Kung tuyo nga yan e masarap pa rin kasi nga ikaw ang kasalo ko.”

Later (boyxboy)Where stories live. Discover now