Chapter 4

3.4K 101 4
                                    


CHAPTER 4

“Sama ka naman sa amin ngayon. Birthday ni Precy kaya magtitreat siya ng inom.”, paanyaya sa akin ni Sydney matapos ang huli naming klase.

“Tayong apat lang?”, balik kong tanong.

“Oo. Partner-partner tayo.”, nakangising tugon ni Xander.

“Ahh.. sige. Pres, dito ka na sa tabi ko dahil ikaw naman ang magtitreat e.”, pabiro kong sabi kay Precy na agad namang umangkla sa akin. Si Sydney naman ay ngumiti lang na parang pilit nang umakbay sa kanya si Xander, ewan ko bas a babaeng ito pero kung ako yung babae at inakbayan ako ni Xander e matutuwa ako.

Sa malapit lang na bar sa school kami pumunta at dahil nga hindi ako sanay sa ganuong lugar e nahilo talaga ako sa kapal ng usok na napansin naman agad ni Sydney.

“Are you ok, Gino?”, pasigaw na usal nito dahil sa lakas na rin ng tugtog sa loob ng bar.

“Oo. Ayos lang ako. Punta lang ako ng washroom.”, tugon ko sabay tayo at punta sa CR para makapaghilamos, medyo nahihilam talaga ako sa kapal ng usok at parang nakaaksuffocate dahil kahit aircon e mainit pa rin yung lugar marahil dahil sa dami ng tao at sobrang dami ng naninigarilyo.

Matapos kong maghilamos ay nakita ko si Sydney malapit sa pintuan ng restroom at parang may hinihintay.

“Bakit andyan ka?”, bati ko sa kanya.

“Hinihintay ka. Napansin ko kasi na parang ang layo mo sa akin kaya naisip ko na ako na lang yung lalapit sa’yo. I like you Gino.”, diretso niyang sabi na nakapagpalunok sa akin ng tuyong laway.

“Napapansin mo naman siguro na gusto ka ng bestfriend ko kaya hindi ko pwedeng ientertain yung sinabi mo. I’ll just pretend not to hear anything.”, sambit ko sabay talikod at lakad papuntang table namin pero hinawakan ni Syd ang kamay ko tapos ay lumapit at bumulong.. “you’ll be mine no matter what… I always get what I want”

Matapos ang sinabi niya ay tinuloy ko na lang ang paglalakad patungong mesa namin. Pangatlong tower na ng beer ang inoorder naming at halatang may tama na ang mga kasama ko pero mas gusto kong may matamaan sa mukha ng makita kong naglalampungan na sina Sydney at Xander habang si Precy naman ay masyadong tame sa tabi ko na mukhang props lang naman talaga sa aming apat kahit sabihin pang birthday celebration niya ito.

Matapos ang haplusan ng dalawang nasa tapat ko ay sinisimulan na nilang maghugpungan ng mga labi at hindi pa nakuntento dahil nakikita ko yung mga laway nila na kumakalat sa mga bibig nila. Naiinis ako sa nakikita ko dahil hindi nila dapat yun ginagawa sa pampublikong lugar, dahil nasa harap nila ako at nakikita ko kung gaano kaenjoy si Xander sa ginagawa niya na parang nakakalimutan niya na kung nasaan siya at masyado siyang focused sa paghalik kay Sydney, ilang beses ko na rin siyang nakitang may kasama at kung minsan ay naghahalikan sila pero iba ito, nakikita ko na masyadong masaya si Xander sa labi ng iba at nadudurog ako, ewan ko kung anong tama ba yung nararamdaman ko pero ang sigurado ko lang ay yung hindi ako masaya sa nakikita ko kaya kailangan kong gumawa ng paraan para tumigil sila o makaalis ako.

“Precy, ang tahimik mo naman d’yan.”, sabi ko sa katabi ko.

“Ha? Wala. Medyo marami na kasi akong nainom.”, tugon ni Precy na parang sinaniban ni Maria Clara.

“Ahh… akala ko naiinggit ka sa kanila e.”, sabay turo ko sa dalawang hayok na naghahalikan.

Tumugon lang ng mahinhing tawa si Precy kaya agad ko siyang hinagkan sa kanyang mga labi na nagpatigil sa paghahalikan ni Xander at Syd.

“Wala na ako sa mood. Alis na tayo.”, biglang sambit ni Sydney.

“Sige. Wala akong kasama sa bahay.”, si Xander na tila niyayaya si Sydney na sa kanila na lang matulog.

Later (boyxboy)Where stories live. Discover now