Chapter 10

2.7K 101 2
                                    

CHAPTER 10

Ilang taon na rin ang lumipas mula nang umalis siya at hanggang ngayon ay hindi ko mawari kung bakit tila hinihintay ko pa rin siya kahit na ang totoo ay ako ang unang nang-iwan. Magulo ang mundo para sa aming dalawa lalo pa’t alam naming mahal naming ang isa’t isa pero sa dahilang ako man e nagdududa kung tama ay napilitan kaming maghiwalay. Nakagraduate na ako sa kursong Marketing at nagtatrabaho bilang isang Marketing Officer sa isang food chain. Ayos naman ang takbo ng buhay pero sa apat na taong dumaan, parang may kulang pa rin… hindi parang… may kulang talaga at alam ko sa puso ko na maaaring hindi na maging akin ang matagal nang pinangarap na maangkin.

“Kring… kring….”, tunog ng telepono sa bahay na minsan na lang yata sa isang buwan kung tumunog.

“Hello, good morning.”, sagot ko sa telepono.

“Good morning Xander! Liz here! Tanda mo pa ba ako?”, tugon ng kabilang linya.

“Liz? Yung college friend namin ni Gino?”, tanong ko.

“May tama ka! Hahaha!”

“O bakit ka napatawag?”

“Kasal ko na kasi at iiinvite sana kita para maging isa sa mga groomsmen, yun ay kung ok lang naman.”

“Oo naman. Kelan ba yan? Saka bakit naman naisip mong hindi ok sa akin?”, tanong ko.

“I invited Gino na kasi so baka ayaw mong magkita kayo kaya tinatanong ko kung ok lang sa’yo.”

Medyo nagulat ako sa sinabi niya, dumating si Gino at magkikita na kami pagkalipas ng ilang taon na hindi pagkikita… dalawang emosyon ang bumalot sa akin kaba at pananabik.

“Xander, so are you willing to go?”, tanong sa akin ni Liz bilang pambasag sa halata kong pananahimik.

“Ok lang ba kay Gino o hindi mo pa nabanggit?”

“Ayoslang naman sa kanya kaya nga tinanong na lang din kita if it’s ok with you.”

“Edi ayos lang din sa akin.”, tugon ko.

“Sure yan ah! Bukas may meeting lahat ng abay, punta ka a!”

“Oo. Sige, punta ka dun.”

“Yehey! I am so excited na!!!”

“Sino nga pala ang swerteng groom?”

“Si Rick… hihihi”

“Sabi na nga ba e. Sige, kita tayo bukas, saan ba?”

“I’ll text you the details na lang kung saan. Ok?”

“Sure! Kita kits na lang bukas.”

Later (boyxboy)Where stories live. Discover now