Chapter 2

5K 127 5
                                    


CHAPTER 2

“Messy faux hawk”, sambit ni Xander sa manggugupit.

“Ui! Anong bakit may lawin ka pang sinasabi dyan?!?”, nagtataka kong tanong dahil ewan ko ba kung ano yung hawk na sinasabi niyang gawin sa ulo ko.

“Faux hawk gago! Hindi yun lawin, hairstyle yun!”, singhal niya sa akin.

“Lawin, hawk, pareho yun dahil yun yung direct tagalog translation.”

“Nakakahiya ka talaga Gino. Wala ka bang alam na gupit kundi 3x4? Siguradong bagay ‘yan sa’yo kaya wag ka nang magulo.”

“Siguraduhin mo lang na hindi magmumukhang pugad ng ibon yang ulo ko pagkatapos, a!”, huling hirit ko lalo pa’t nakita ko nang tawa nang tawa si gago pati yung barberong makapal ang foundation.

Sinimulan na nga ng barberong makapal ang foundation ang paggugupit sa buhok ko at sa kada daan ng razor sa ulo ko e nakikita kong nahuhulog ang buhok ko.Naalala ko tuloy yung pelikula ni Robin na bibitayin siya, pakiramdam ko e ganun ang gagawin sa akin.. kakalbuhin muna saka isasalang sa silya elektrika pero matapos ang ilang minutong sagupaan sa gunting at labaha ay natapos na rin at mukha namang matino naman ang kinalabasan. Medyo hindi ako sanay na mukhang laging kakabangon lang sa higaan pero ayos naman ang itsura.

“Anong nginingiti-ngiti mo d’yan?”, si Xander na naman na parang gustong basagin ang saya ko sa bago kong hairstyle.

“Salamat sa bagong hairstyle…”, nakangiti kong sabi sa kanya.

“Anong salamat? Magbayad ka sa cashier.”, nakangisi niyang sabi.

“Akala ko pa naman libre mo ‘to!”

“Abuso ka tol! Libre ang consultation pero ang mga services, ikaw na ang magbayad. Ikaw ang nakakatipid sa tuition e.”, nakangisi niyang tugon.

“Oo na.”, sambit ko sabay tayo at punta ko sa cashier at nagbayad.

Matapos kong magbayad e umakbay na naman ang bestfriend ko sa balikat ko sabay sabing “Wardrobe update naman”

“Wala na akong pera…”, sabi ko na parang nanlulumo.

“Hayaan mo na. Nakabili na ako ng limang ternong damit tapos kuha tayo sa closet ko at check natin yung closet mo. Ayos ba?”, sambit niya habang nakangiti ala-John Lloyd, ewan ko ba pero nakakatuwa talaga siyang tingnan pag ganyan. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.

Lumabas kami ng salon matapos akong magbayad at dumiretso kami sa bahay nila para sukatin ko yung mga naibili niyang damit sa akin at told ng nakasanayan, ako ang magbabayad ng pamasahe naming… bakit? Binili niya ako ng damit at wala siyang dalang pera na alam kong hindi totoo… lambing niya ang mga ganung bagay.

Makalipas ang tatlumpung minuto ay narating namin ang bahay nila at tulad ng dati ay si manang Azon lang ang nadatnan naming sa kanila.

“Manang, wala pa rin sila Daddy?”,tanong ni Xander sa kasama nila sa bahay.

“Ay, iho. Sabi ng Mommy at Daddy mo e bukas na lang daw sila uuwi, may emergency meeting daw sila with one of loyal customers. Balak daw bumili ng maraming furnitures para sa itatayong hotel.”, sagot ni Manang Azon.

“Hotel? Furniture? Bakit nga ba kailangan ng mga furniture sa isang lugar na pagpaparausan lang naman ng mga magsyota?!?! Kahit sako lang ilagay nila e papasok pa rin yung mga makakati roon.”, inis na sabi ni Xander.

Sinenyasan ko na lang yung matanda na bumalik na lang sa kusina at nagsisimula na naman ang sumpong na kasamaan ng ugali ng kaibigan ko.

“Hindi ko alam kung saan ka nabibwisit, sa furnitures ba sa mga hotel o sa mga magulang mo. Andami mong issue,e.”, sambit ko sa kanya na parang lalo pang nagpainit ng ulo nito kaya tinulak ako at inambahan ng sapak.

Later (boyxboy)Onde histórias criam vida. Descubra agora