Chapter 8

3.2K 96 4
                                    

CHAPTER 8

Tulad ng inaasahan ay bumalik kami sa dati naming sitwasyon pero hindi maiiwasang magkaroon ng pag-aalangan sa pagitan naming dalawa lalo na kung nasa pampubliko kaming lugar dahil na rin ayaw naming ipahalata sa mga nakapaligid ang kung anumang nararamdaman namin sa isa’t isa pero habang nagtatago kami e parang lalo naming nakukuha yung atensyon ng mga tao papunta sa amin.

“Alam mo, napapansin ko lang na habang gumagalaw tayo para wag nilang mapuna e mas lalo nilang nararamdaman na meron tayong espesyal na koneksyon.”, sabi ko kay Xander.

“Anong gusto mong mangyari?”, tanong ko sa kanya.

“Ano…. Uhmmm… let’s be together?”

“Anong together? As in yung ano?”

“Oo, pero syempre discreet lang tayo. Yung tayo na alam nating tayo pero hindi nila alam na tayo.”, si Xander.

“Yun lang ba? Sige. Payag ako.”, tugon ko na parang hindi na pinag-isipan, bakit ko pa nga ba pahihirapan ang mga sitwasyon. Come what may na lang and seize the moment after all, alam kong sasaya ako sa desisyong gagawin ko ngayon.

Gaya ng pinag-usapan namin ay nagsimula kaming maging bukas sa mga posibilidad para sa aming dalawa.

“Mukhang may naaamoy ako sa hangin, a”, bungad ni Rick.

“Umutot ka no?”, pabirong tugon ni Xander kay Rick.

“Sira! Ang sinasabi ko e merong kung ano sa inyong dalawa. May napapansin kasi ako sa inyong dalawa e”, si Rick.

“Pansin? Papansin ka lang dyan e.”, si Xander ulit. Nakakatawa kung paanong sa sandaling panahon e naging ayos na silang dalawa.

“Loko! Bakit naman ako magpapansin dyan sa “bowa” mo? Ayokong makiagaw pa no!”, sambit ni Rick na may malaking ngisi.

“Dapat lang kundi kitlan kita ng buhay agad.”, pabirong sagot ni Xander.

“Magtigil nga kayo dyan!”, pagsaway ko sa kanila pero sa totoo lang e natatawa ako sa takbo ng usapan nilang dalawa.

“But you’re together now? Tama ba?”

“Shh….”, si Xander.

“Ayun o! San ang celebration?”, tanong ni Rick.

“Anong celebration yan? Anong meron?”, tanong ni Liz na hindi namin mawari kung saan nanggaling, tinugon na lang namin ng mahiwagang tinginan nina Xander.

“Hoy! Sagutin ninyo ako!!! Wait… could it be? Hmmm?”, nakangising tingin sa amin ni Xander.

“Napansin mo na rin pala yun. Husay a!”, si Rick.

“OMG! I said it! Ahaha!”, si Liz.

Later (boyxboy)Onde histórias criam vida. Descubra agora