Chapter 6

3.3K 104 5
                                    

CHAPTER 6

Lunes na naman at simula na naman ng isang linggo ng klase, isang linggo na ang nakakalipas mula ng mapagkasunduan naming ni Sydney ang pagiging kami kapalit ng pagbibigay niya ng pag-asa sa kaibigan ko, so far, so good sa kanilang dalawa pero ang isa pang kapalit noon ay ang hindi ko makakasama ang kaibigan ko dahil sa school ay sila ang magkasama samantalang may lakad naman kami ni Syd pagdating ng weekends.

 4 days a week lang ang pasok pero hindi katulad ng hayskul, kailangang magpalit ng classroom at buildings pag nasa college ka na, malas pa kung minsan dahil magkasunod na subject pero ang building e nasa kabilang ibayo pa tulad na lang ngayon na mula sa PE building ay lilipat ako sa Science building at dahil pawisan ako e mas magiging pawisan pa ako lalo dahil nasa 4th floor ang room ko at mahaba ang pila sa elevator pero kahit na anong adrenaline rush ang meron ako dahil sa pagmamadali e hindi ko maramdaman yung more energy, mas happy dahil mag-isa ko lang tinatakbo yung hagdan. Badtrip…

“Grabe talaga yung layo ng mga buildings natin per class no?”, si Liz na nagpupunas ng pawis nang madatnan ko sa classroom.

“Ang bilis mo naman makarating ng room, alagad ka ba ni Flash?”, biro ko sa kanya.

“E kasi pagkadismiss e diretso na ako dito, sa may washroom na lang dito ako naglinis ng katawan at nagpalit ng damit. Hassle pa kasi don dahil andaming tao.”, paliwanag niya na nakangiti.

“You’ve got a good point there. Nga pala, may assignment ka na sa Stats?”, tanong ko sa kanya na parang default mode ko na lang dahil pagtapos ng PE ay si Xander ang kasama ko at palagi ko yung tanong sa kanya.

“Oo nagawa ko na yung sa akin pero mukha kasing hindi naman para sa akin yung tanong mo e.”, nakangiting sambit ni Liz.

“Bakit naman?”, pagmamaang-maangan ko.

“With almost a month of knowing you e I can see that you have made a habit na parang si Xander lang lagi ang kausap mo. Pwedeng unconscious pero isa lang ang sigurado, you have grown too attached to him.”, si Liz.

Hindi na ako sumagot dahil unti-unti nang napuno ng tao yung classroom at pati si Sydney at Xander ay dumating na pero mas nakakagulat dahil kaklase pala namin sa subject na yun ang nakaaway naming noon na si Rick.

“Gin! Tabi na lang tayo a.”, masaya niyang sambit sa akin, matino masyado ang itsura niya ngayon, pormal, neat at hindi mukhang sanggano di tulad nung huli kong kita sa kanya.

“Asensado ang itsura a!”, bati ko sa kanya sabay usog ko para makaupo siya sa tabi ko. “Liz, si Rick nga pala, pagpapakilala ko. Nagngitian lang ang dalawa at nagpalitan ng kaway.

“Dito ka rin pala? E bakit hindi ka umaattend nung mga previous meetings?”, tanong ko kay Rick.

“Hindi naman kasi ako dito talaga kaya lang nadissolve yung klase namin kaya napilitan akong lumipat.”

“Ahh...”

“Buti nga andito ka at may kaibigan ako agad. Nasaan nga pala yung kaibigan mong maangas? Hindi mo kasama?”, tanong ni Rick na bakas pa rin sa tinig na inis siya kay Xander.

Later (boyxboy)Where stories live. Discover now