FINALE

4.3K 164 115
                                    

CHAPTER 19

Kinabukasan ay tumungo kami sa isang ospital at nagpakonsulta ako para sa sakit ko. 2nd opinion ang kailangan naming at isang matinong prognosis para malaman kung mamamatay na ba ako bukas o hindi.

“Doc, what is it that I’m having? Or mamamatay na ba ako?”

“You have a malignant brain tumor, it’s spreading at a faster than usual rate but it’s good that we have it diagnosed as early as now. Nagsisimula pa lang na kumalat ang mga cancer cells and we could use it to our advantage, makakaya pang gamutin ka through radiation and there’s a very big probability that you’ll get cured. I’m positive with that.”

“Gaano kalaki yung chance that he’ll be okay?”

“As I have said, I am positive pero with cancer, nothing’s certain. Let’s just say that he has a 70% chance of getting better. But the probability may vary as days go by.”,saad ng doktor.

“So anong kailangang gawin?”, tanong ni Gino.

“He needs to undergo radiotherapy as soon as possible. That’s one of the most effective and mas konti ang side effects, we have to do it in the soonest time dahil kapag lumala ito ay we have to use chemotherapy and kung maiiwasan natin e wag na sana tayong umabot don.”.

“So kelan magsisimula yung radiotherapy ko?”

“By next week siguro, after all the tests were conducted. We’re running against time.”

“I’m afraid…”, sambit ko.

“Andito lang ako. Trust in me.”, nakangiti niyang sabi sa akin.

“Paano na lang ako kung wala ka? Paano na lang ako?”, pakanta kong sabi sa kanya matapos kaming lumabas sa klinika nung doktor.

“Ang kulit mo pa rin kahit may sakit ka.”

“Ganun talaga. Kailangang masulit ang bawat sandali na magkasama tayo.”

“Matagal pa tayong magkakasama.”, sabi niya.

“Alam ko.”

“E bakit kailangang sulitin e hindi naman mabilis matatapos?”

“Hindi pa rin kasi natin hawak ang mundo kaya mas mabuti nang sigurado tayo.”

“You’ve got a point there.”

“I always get a point.”

“This time you’ve got an exclamation point.”, nakangiti niyang sabi.

“Ikaw na ang magaling magpalusot.”

“Ako na talaga!”

Later (boyxboy)Where stories live. Discover now