CHAPTER 31

2.1K 40 2
                                    

Nasa harap na kami ng club, at rinig ko na talaga ang malakas na tugtog sa loob.

Hanggang ngayon masakit pa rin ang pwet ko huhuhu..

Brain: Kasalan mo naman kasi, Gelai eh! May pasigaw-sigaw ka pa! Ayan tuloy, palo sa pwet ang natanggap mo!

"Kotehok, are you okay?"

Napatingin ako kay Don at tumango.

"Owwww!" I yelped when he squeezed my butt.

"Words, kotehok."

"Oo, okay lang ako," bulong ko habang hinimashimas ang aking pwet para maibsan ang sakit.

"Let's go inside. Stay with me all the time," he firmly said.

Naglakad kami papasok sa club. All beautiful lights are flashing inside. Ang laki ng club grabe! 3 bars, at may stage sa harap nito. May mga waitresses na naglalakad na may dalang drinks at appetizers. Some people are dancing, drinking, and chilling on the couches.

Hinawakan ni Don ang kamay ko at naglakad kami sa hallway. May nakita akong babae sa gilid, grabe ang suot niya! Sobrang iksi! Siguro kung yuyuko siya, makikita talaga ang panty niya. Kung! Kung may suot nga siyang panty hahaha. Sa kabilang banda naman ay may naghahalikan.

Napalunok ako at umiwas ng tingin. Ang daming kababalaghan sigurong nangyayari rito.

"Come."

Hinawakan ni Don ang kamay ko at umakyat kami sa hagdan.

We walked over to the couch area. A man with brunette hair approached us.

"Don Vernadsky," he said with a deep voice and shook Don's hand.

May tattoo ang leeg niya. He looked dangerous and devilish. His demeanor screamed with power.

"Glad to see you, Mr. Santiago," sabi ni Don.

Nabaling ang tingin ni Mr. Santiago sa akin, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. He stared at me with his piercing eyes.

Kinakabahang ngumiti ako sa kaniya.

"Who is this beautiful young lady?" tanong niya kay Don.

"Umm, I'm Gelai," pagpapakilala ko, at sumilay ang ngisi sa kanyang labi.

I'm scared, and I felt uncomfortable around him.

"Hmm, beautiful.."

Pinisil ni Don ang kamay ko.

Umupo kami sa couch. Nasa gilid ako ni Don, habang si Mr. Santiago naman ay nasa harapan namin. May tatlong bodyguards na nakatayo sa gilid niya na malalaki ang pangangatawan.

"Drinks?" Mr. Santiago asked.

"Sure, and water for her."

Inutusan ni Mr. Santiago ang isang waitress.

Sa kaniya siguro ang club na 'to.

"So, let's discuss about the proposal," He began.

Nagsimula silang mag-usap tungkol sa proposal. Napakalmot na lang ako sa ulo kasi wala akong maintindihan ni isa! Tumitingin na lang ako sa paligid, umiinom ng tubig at juice, nilalaro ang aking mga daliri, nagbibilang hanggang isang daan, at iniisip kung ano ang gagawin bukas. Dahil sa kakainom ko ng tubig at juice, naiihi na tuloy ako.

"Is that all, Mr. Santiago?" tanong ni Don.

"Yes, Don, what do you think? Do you agree? Any conditions?"

"Yes, I have a condition. I'll help your business, but you have to share the profit you'll receive," saad ni Don sabay ngumisi.

"How much do you want?" Mr. Santiago stared at him with confusion.

His Beautiful Prey Where stories live. Discover now