CHAPTER 36

1.2K 24 5
                                    

Nandito na ako sa kwarto, nag-iimpake ng aking mga damit at gamit. Tinulungan din ako nila Jenjen at Mae. Bukas pupunta ako sa opisina ni Don para magpaalam. Aalis na talaga ako, sa ayaw at sa gusto niya!

Brain: Sa tingin mo ba, Gelai, pipigilan ka ni Don?

Ay oo nga naman. Hindi na niya ako kailangan.

Kailangan magpakatatag ako.

Miss ko na rin ang pamilya ko at kailangan ko sila upang maibsan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ako makakapag-moved on kung nandito ako.

"Gelai, aalis ka na talaga? Sure ka na?" tanong ni Mae, may halong lungkot ang boses niya.

"Oo, Mae, ayoko na rito. Palagi na lang akong nasasaktan, at gusto ko na ring makasama ang pamilya ko. Kailangan ko sila ngayon," bulong ko sabay sinara ang siper ng maleta at umupo sa kama.

"Mas mabuti pa, Gelai, na umalis ka na rito para makapag-moved on ka. Alam niyo, paasa at napakagago ni Don! Puro na lang pasakit ang ibinigay sa'yo, Gelai! Ikaw yung tipong, pinakilig pero hindi jinowa."

"Awittt...... Tama ka, Jen, paasa si Don," sang-ayon naman ni Mae.

"At yung demonyetang Jheany at Armelyn, argghh, nakakagigil!"

"Gelai, sasama ako sa'yo," wika ni Jenjen dahilan upang mapatingin kami ni Mae sa kaniya.

Umiling ako bago sumagot, "Jen, 'wag."

"Aalis ako, Gelai, hindi ko kayang makita at masikmura ang pag-uugali ng Jheany na 'yon!"

"Jen-"

"Aalis ako, Gelai. My final decision, at saka miss ko na rin ang pamilya ko," dagdag pa niya.

"Ako, dito lang ako. Ako lang kasi ang inaasahan ng pamilya ko, lalo na ang kapatid kong nasa kolehiyo. Titiisin ko na lang," pabulong na sabi ni Mae.

"Ay goodluck sa'yo, Mae. Basta ako sasama kay Gelai." Tumawa ng mahina si Jenjen, "Maghahanap na lang ako ng ibang trabaho, hmmmm, siguro magpapatulong ako sa tita ko na makapagtrabaho sa Qatar," dagdag pa niya.

"Ehh? Sure ka, Jen?!" gulat na tanong ni Mae, at tumango naman siya.

"Dati ko pa napag-isipan 'yan, at dati pa ako inaalok ni Tita Sophie na mag-trabaho doon."

"Ikaw, Gelai, anong plano mo ngayon?"

Napatigil ako at napabuntong-huminga sa tanong ni Mae sa'kin.

"Gusto ko lang makasama ang pamilya ko sa ngayon," bulong ko.

➖✴️➖

Pagkatapos naming mag-impake ay nagpaalam na sila Jenjen at Mae na pumunta sa kanilang kwarto, at para rin makapag-impake na si Jenjen. Hindi na talaga magbabago ang desisyon niya, sasama talaga siya sa'kin.

Binuksan ko ang pinto ng bathroom at pumasok.

I walked over to the sink and looked at myself in the mirror as I washed my hands. My eyes were red and swollen from all the crying. I looked like a mess! I splashed some water in my face, hoping that the cold water would help with my swollen eyes. I took a deep breath, grabbed my toothbrush, and brushed my teeth.

Pagkatapos kong magsipilyo ay lumabas na ako at humiga sa kama.

I stared aimlessly at the ceiling.

Ang sakit...

It hurts; a kind of heaviness is killing me.

My heart is still bleeding from his words.

Nakakapagod na!

His Beautiful Prey Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin