CHAPTER 20

3K 72 3
                                    

GELAI'S  POV

Ang katawan ko ay namamanhid, at ang bigat ng aking takipmata para imulat. My eyes were heavy, and my throat felt sore. I heard someone talking quietly. Dahan-dahang iginalaw ang mahina kong braso at binuksan ang mga mata.

"Gelai?"

"Jen! Gising na si Gelai!"

Tumingin ako sa paligid.

Everything was blurry,

I blinked my eyes again.

"Gelai, may kailangan ka ba?! May masakit ba sa'yo?" natatarantang tanong ni Jenjen habang hinawakan niya ang aking kamay. Nakaupo siya sa gilid ng kama.

My head was spinning.

Umupo ako sa kama habang nakahawak sa aking ulo. Napapikit ako at napahiyaw sa sakit ng aking pwet.

"Gelai, may masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Mae.

"T-t--tubig," nahihirapan kong bulong, ang boses ko ay basag.

"Mae, tubig daw!"

Agad na kumuha ng tubig si Mae at ibinigay sa akin. Ininom ko ang tubig habang sumasakit ang aking lalamunan sa bawat lunok nito. Nang maubos na ito, ay ibinigay ko ang baso kay Jenjen.

"Sobrang nag-alala kami ni Jenjen sa'yo, Gelai. Umiyak nga kami nang makita ka naming walang malay," mahinang wika ni Mae habang hinahaplos ang aking buhok.

Bigla nag-flashback sa aking isipan ang nakakatakot na pangyayari kahapon.

Ang kamay niya sa aking leeg.

Ang mga mata niya na nag-aalab sa galit.

Ang sinturon niya na dumadampi sa aking pwet..

Naramdaman ko ang mga luha na umaagos sa aking pisngi, nanginginig ang aking labi pati na rin ang aking kamay sa takot, at nahihirapan na rin akong huminga.

"Gelai, Gelai, huminga ka ng malalim, okay? Inhale, exhale. Sabayan mo ako, inhale, exhale."

Sinabayan ko siya, at paulit-ulit namin itong ginawa.

Huminahon ako ng kunti, subalit ang mga luha ay patuloy pa rin pumapatak sa aking pisngi, ayaw tumigil.

"Si, si, Don," I sniffed at my trembling hands.

Lumapit sila ng kunti at niyakap ako.

"Gelai, shhhh. Nandito lang kami," malambing na saad ni Jenjen. Hinahaplos ng marahan ang aking likuran.

"Gelai, huminahon ka, okay? Nasaan na ang kilala naming Gelai na matapang, hindi sumusuko at hindi iyakin? Nasa'n na? Nandito pa ba siya?" Mae asked, trying to comfort and cheer me up.

They continued comforting me and cheering me up until I stopped crying. Pinakain nila ako sapagkat wala pang laman ang tiyan ko kagabi pa. Nang bumalik na ang lakas ko, sinalaysay ko ang buong pangyayari kung bakit nagalit at pinarusahan ako ni Don. Sa bawat pagbigkas ng salitang lalabas sa bibig ko, kumikirot ang aking puso at hindi ko mapigilang hindi mapaiyak ulit. Nakita ko sa kanilang mukha ang awa, at may namumuong luha na rin sa kanilang mga mata.

"Nag-nagmaka-awa ak-ko s-sa kaniya. Su-migaw ako p-pero hindi si-siya tumigil. Ang sakit. Ang sakit sa bawat ham-hampas niya sa pwet ko" namamaos kong saad at humagulgol.

"Ang sama at walang puso talaga ni Don! Kung makaparusa siya akala niya isa siyang santo at isa kang hayop! Sino ba siya sa akala niya, ha?!" malakas na alboroto ni Jenjen.

His Beautiful Prey जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें