CHAPTER 8

4.1K 68 4
                                    

GELAI'S POV

Nandito ako sa library, nagbabasa ng libro habang nakasandal sa bookshelf.

Nag-ring bigla ang aking cellphone.

Nakita ko sa screen ang pangalan ni Kurt, siya ang pursigidong manliligaw ko. Gwapo, maputi, makapal ang kilay at mayaman sila. Hindi ko nga alam kung bakit nagustuhan niya ako. Hindi naman ako mayaman, isang maid lang ako.

"Hello, Kurt."

"Hi Gelai, nandito pala ako sa labas ng gate may ibibigay ako para sa'yo," rinig ko sa kaniya.

Napanganga ako.

Lumapit ako sa bintana at dumungaw.

Oo nga, nandito nga siya!
Mabuti na lang, wala si Don.

"Kurt, wait lang."

Tumakbo ako papunta sa elevator at pumasok. Pinindot ko ang 1st floor. Maya-maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng elevator, at lumabas na ako.

"Gelai, nandito si Kurt!" sigaw ni Jenjen.

"Oo, alam ko!"

Inayos ko muna ang buhok ko bago bumaba sa hagdan at naglakad papuntang gate.

Nakita ko si Kurt na kumaway sa'kin habang nakangiti. Binuksan naman ng mga guards ang gate.

"Kurt!" sambit ko.

"Gelai, nadistorbo ba kita?" tanong niya.

"Naku hindi, tapos na ako sa gawain ko," sagot ko na may ngiti sa aking labi.

Binaling ko ang aking tingin sa hawak niya. May dala iyang isang box ng chocolates, supot ng orange, my favorite, at kulay pink at red na mga rosas.

"Nga pala, para sa'yo."

Inilahad niya sa'kin ang mga ito at masayang tinanggap ko naman.

"Wow, ang ganda naman ng mga rosas na 'to Kurt, thank you!" ngumiti ako sa kaniya sabay niyakap siya at nagpasalamat ulit.

"Don't mention it. Free ka ba sa Saturday? Kasi yayain sana kitang lumabas."

"Umm, sure!"

Okay lang naman 'di ba? At saka, wala naman akong masyadong gagawin bukas.

"Yes!" sigaw niya at napatawa ako ng mahina.

"Who are you?"

Napatigil ako nang marinig ko ang isang baritonong boses sa likuran ko. Humarap ako at nakita ko si Don na nakatayo habang nakapamulsa.

Brain: Alangan namang nakaupo habang nakapamulsa? Duh! Mag-isip-isip ka nga, Gelai!

Inilarawan ko lang, okay? At saka nakadepende lang naman ako sa'yo ah, kung anong iniisip ng utak ko, 'yon din ang sasabihin ko, hmmp..

"Hello po, Don Vernadsky. I'm Kurt Montes, the suitor of Gelai," pagpapakilala ni Kurt.

Isang matalim na tingin ang ibinigay ni Don sa akin kaya napayuko ako.

"Montes, hmm," I heard the playfulness of his voice.

"Gelai, aalis na pala ako. Susunduin na lang kita sa Saturday. Message mo lang ako."

Tumango na lang ako at sumulyap kay Don.

He glared at me.

Niyakap muna ako ni Kurt bago pumasok sa kotse niya.

"Let's talk in my office," madiin na saad ni Don at napalunok ako.

His Beautiful Prey Where stories live. Discover now