CHAPTER 15

3.7K 67 1
                                    

Isang sinag ng araw ang dumampi sa mukha ko dahilan para mapamulat ako. Dahan-dahan akong bumangon habang nakahawak ang kamay ko sa aking ulo.

Ang init at sakit ng ulo ko parang pinalo ng martilyo! Huhuhu..

Tumingin ako sa aking sarili, at mabuti na lang ay nakabihis na ako. Siguro si Don mismo ang nagbihis sa'kin.

"Aww, ang sakit ng ulo ko parang may lagnat yata ako ngayon," paos kong bulong sa sarili habang iniinda ang sakit.

Hindi ko naman akalain na ganito pala ang mangyayari sa'kin pagkatapos ng matinding parusa kagabi.

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Don na nakabihis ng business suit. Tumingin ako sa kaniya, nakangisi siya ng nakakaloko habang papalapit sa'kin.

Ang sarap suntukin ng mukha niya hmmp!

"Are you okay, kotehok?" he playfully asked.

"Hindi!" agad kong sagot habang binigyan siya ng isang matalim na tingin, "Ouch!"

Naalerto siya bigla. He placed his palm on my forehead.

"Mainit ang noo mo, Gelai. You have a fever," he whispered.

At kasalanan mo ito!

Nakita ko sa kanyang mga mata ang..... pag-aalala? Si Don Eros Mathew, nag-aalala sa'kin?

Bigla niyang hinaplos ang buhok ko.

" 'Wag ka munang magtratrabaho ngayon, kotehok. You need to take rest, okay? Papapuntahin ko na lang si Manang Delia rito para dalhan ka ng pagkain at gamot. 'Wag kang lalabas dito naintindihan mo?" his voice filled with authority while raising his eyebrow.

"Hmmm," I hummed in respond.

Bumalik ako sa pagkakahiga at kinumutan ang sarili dahil sa ginaw na nararamdaman ng katawan ko.

"Pwede bang i-turn off mo ang air conditioning, please, giniginaw kasi ako," nanginginig kong pakiusap at sinunod naman niya ito.

"I need to go, kotehok. Be a good girl for me, yes? Or else you know what will happen," pagbabanta niya at agad akong tumango. Hinalikan muna niya ang noo ko bago umalis.

➖✴️➖

"Gelai, iha.."

Napamulat ako at nakita ko si Manang Delia na nakaupo sa kama habang may hawak na maliit na tuwalya.

"Manang," mahina kong sabi at umupo.

"Masyado bang masakit ang ulo mo, Gelai? Ang basa ng likod mo, iha, kaya kailangan mong magbihis. May dala rin akong pagkain at gamot para sa'yo. Alam mo bang nag-alala ako nang sabihin ni Don na may sakit ka? Masyado ka bang nagpapapagod sa trabaho, Gelai, kaya ka nagkalagnat?" Hindi ko mapigilang hindi mapaubo sa tanong ni manang.

Agad kumuha ng tubig si manang at ibinigay sa'kin.

Kung alam mo lang manang..

"May ubo ka na rin," dagdag pa niya habang hinahagod ang likod ko.

"Ahem, manang, sorry po kung pinag-alala kita. Salamat din sa pag-aalaga mo sa'kin," ngumiti ako kay manang.

His Beautiful Prey Where stories live. Discover now