CHAPTER 21

3.2K 76 21
                                    

Ang bilis talaga ng panahon, isang Linggo na ang lumipas simula nang bumalik ako sa maid's quarter at huling nakausap ko si Don. Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa aking isipan ang ginawa niya sa'kin. Pilit ko itong kinakalimutan, subalit tumatak talaga  sa isipan ko. Ginawa ko talaga ang lahat para layuan si Don. Minsan nahuli ko siyang nakatitig sa'kin, at hindi rin maiwasan na magkasalubong kami sa hallway, pero hindi ko na lang siya pinansin, na para bang hindi ko siya nakita. Iniiwasan ko talaga siya, at alam kong nahalata niya 'yon.

Biglang naalala ko ang sinabi ni madam sa'kin kahapon.

Naglalakad ako patungo sa maid's quarter para magbihis, nang makasalubong ko si madam.

I rolled my eyes..

"Oh Gelai, kumusta ka na?"  She asked with sarcasm, "Balita ko pinarusahan ka raw ni Don?"  tumawa siya ng mahina.

"Okay naman ako, madam, 'wag ka pong mag-alala sa'kin," sarkastikong sagot ko.

Lalagpasan ko na sana siya, nang biglang hawakan niya ang braso ko.

"Pakialamera ka kasi, Gelai, ayan tuloy naparusahan, kawawang Gelai,"  mapanukso niyang saad dahilan para makaramdam ako ng inis.

Sinamaan ko siya ng tingin habang nagtitimpi sa sarili na 'wag sampalin ang mukha niya.

"Oh? Bakit Gelai?" natatawa niyang tanong.

"Ano ba'ng problema mo? 'Wag ka ngang mangialam sa buhay ko!" naiinis kong sigaw sabay inalis ng marahas ang kamay niya sa braso ko.

"Hoy, Gelai, 'wag mo akong pagtaasan ng boses. Baka nakalimutan mo na mayordoma ako rito!" hinawakan niya ulit ang braso ko, " Gelai, hindi mo lubusang kilala si Don. Kung akala mo na isa lang siyang negosyante, nagkakamali ka, kaya kung ako sa'yo, mag-iingat at lalayo na ako kay Don." Tinapik niya ang balikat ko, at saka umalis.

Hindi lang negosyante si Don? Anong ibig niyang sabihin? Sino ba talaga si Don?

Naguguluhan talaga ako sa sinabi ni madam. Ang dami kong mga tanong sa aking isipan na walang kasagutan! Nakaka-stress!

Lahat naman tayo may kanya-kanyang  sekreto, tulad ko na may lihim na matagal ko ng tinatago, at 'yon ay.............. Ako raw ang susunod na Darna! Bwahaha, joke lang! Sa totoo lang natatakot ako sa multo lalo na ang pumasok sa sementeryo huhuhu..

"Gelai, tara na, pumasok na tayo!" nasasabik na saad ni Jenjen.

Napatingin ako sa nakakatakot at lumang horror house. Nasa labas pa lang kami, naririnig ko na ang sigawan ng mga tao, at ang dumadagundong na tunog.

Ewan ko ba kung bakit gusto nilang pumasok dito! Natatakot nga ako sa mga multo, tapos papasukin pa nila ako? Haysst...

Napalunok ako at niyakap ang sarili.

"Kayo na lang, natatakot ako eh!"

"Hay naku, Gelai! Ang kj mo ha!" Mae exclaimed, crossing her arms under her chest.

Umiling ako sa kanila at ngumuso.

"Tara na, Gelai. This is your chance to face your fear," dagdag ni Jenjen at sumang-ayon naman si Mae.

His Beautiful Prey Where stories live. Discover now