CHAPTER 7

4.4K 80 0
                                    

GELAI'S POV

"Gelai, relax lang, okay? Inhale, exhale, first day mo 'to, kaya 'wag kang papalpak."

Dala-dala ko ang breakfast ni Don papunta sa kwarto niya. Pagdating ko ay kumatok muna ako, subalit walang sumagot.

"Don, nandito na po ang breakfast niyo," nilakasan ko talaga ang aking boses para marinig niya pero wala, hindi pa rin siya sumagot kaya napag-isipan ko na buksan ito at pumasok.

Pagbukas ko ng pinto, ay napanganga na lang ako sa nakita. Ang laki ng master bedroom ni Don. There's a balcony, huge bed, several tall windows, white curtains, black walls, dark floor, flat screen TV and every furnitures are dark colored.

"Wow, ganda naman," bulong ko sa sarili.

Inilagay ko ang tray sa table, at naglakad papunta sa balcony. Nakikita talaga dito ang naglalakihang bahay at magagandang bulaklak sa ibaba.

"Dobraye ootro, kotehok."

Napatigil ako at napahawak sa pisngi.

"I mean good morning, kotehok."

Humarap ako sa kaniya.

Yumuko ako at napakagat-labi nang makita ko siyang naka-towel lang.

"Don, your breakfast is ready," I said in a gentle tone.

"Okay," tanging sagot niya.

Lumapit siya sa table at umupo sa couch.

"Ah Don, lilinisin ko na lang po ang kwarto niyo pagkatapos niyong kumain. Alis na po ako."

"Did I say that you can leave?" he asked while looking at me.

Tanga mo talaga Gelai! Dapat humingi ka muna ng permiso bago ka umalis!

"Hi--hindi po," mahina kong sagot.

"Join me."

"Ah, salamat po, Don, pero mamaya na lang po ako kakain."

Pumayag ka, please..

"Who is your master?"

"Ikaw po," ang boses ko ay may halong takot.

"So obey what I said, or else you will be in trouble."

Napalunok ako sa banta niya.

Umupo ako sa harapan niya sabay umiwas ng tingin nang masilayan ko ang katawan niya. Akalain mo naman naka-towel lang siya sa harapan ko habang kumakain.

"Don't you like it?" he suddenly asked.

"Ahmm, gusto ko po, kaso lang hindi pa po ako nagugutom eh," pagsisinungaling ko.

Sa totoo lang ayokong kumain kasama siya kasi hindi ako komportable, at gusto ko ng lumabas dito.

"Do you think I will believe you, kotehok? You can't resist when it comes to food, Gelai. I know everything about you, so stop acting being stubborn brat, and start eating before I make you," he growled and rolled his eyes.

Dali-daling kinuha ko ang kutsara at nagsimulang kumain. Nakakainis siya! Hindi ba niya nahahalata na natatakot ako sa kaniya at ayokong makasama siya! Hahay, sabi nga nila Gelai, face your fear, at wala ka namang choice kundi sumunod sa kaniya. In fairness, masarap ang mga pagkain; may bacon, scrambled egg, prutas at pirogi na isa sa mga Russian foods.

"Are you scared of me, kotehok?" while looking at me.

"Yes, Don," agad ko sagot.

Sobra!

Totoo naman, natatakot talaga ako sa kaniya. Ayokong magsinungaling sa kaniya, at saka honesty is the best policy nga 'di ba?

'Wow, nagsalita ang hindi nagsinungaling kanina,' saad naman ng isipan ko. 

His Beautiful Prey Where stories live. Discover now