THE ONE THAT GOT AWAY

66 4 1
                                    

Nagmulat ako ng mata ko at agad ding napa pikit ng matamaan ng sinag ng ilaw. Nang tuluyang magmulat ay naabutan ko ang mga magulang kong naka yuko at mga walang imik.

Nilibot ko ang tingin ko at napansing nasa hospital ako, bakit ako nandito? Anong nangyari? Si cy--

"Cybier!!" Sigaw ko at dali-daling tumayo.

Nilapitan ako ng mga magulang ko para pigilan ako at alalayang pahigain ulit.

"Si cybier, nasan si cybier?!" Tanong ko sa kanila.

Agad naginit ang ulo ko ng mapayuko lang ulit sila.

"Nasan si cybier?!!" Malakas kong sigaw.

Halos mapaigtad sila sa lakas niyon pero wala akong pakielam, si cybier ang iniisip ko. May pumasok na doctor at chineck ako kung anong lagay ko.

"Please calm down anak, hindi makabubuti sa iyo kung magkikikilos ka, magpalakas ka muna." Mahinahong sabi ni mommy. Kung mommy ko ba talaga ito.

"Anak? Anak ha! For all you've done! Anak?!!" Nagulat ang nurse ng bigla akong sumigaw.

"Please don't stress the patient, let her rest" Nag-aalangang sabi ng doctor.

"No! I need to see cybier now!" Tinulak ko siya at inalis ang mga naka kabit sa akin bago bumaba sa kama.

Tumawag siya ng iba pa at hinarangan nila akong makalabas. Pinilit nila akong ihiga sa kama pero nagpumiglas ako, sobrang dami nila ay kusa na lang akong sumuko. At naramdaman kong may tumurok sa akin.

"Please, i want to see cybier.." at unti-unti ng nagdidilim ang paningin ko, tuluyan ng nawalan ng malay.

"I feel sorry for her"

"Hindi tayo pwedeng mawala sa tabi niya ngayon."

"Yes, ngayon n'ya tayo kailangang-kailangan"

Nagmulat ako ng mata ko at nasilayan ang mga kaibigan kong nagiiyakan. Napatingin sila sakin ng may marinig na kaluskos dahil humupo ako.

"I'm going to call the doctor" Si lucy bago lumabas.

"How are you feeling right now?" Nag-aalalang tanong ni zoey.

"Nasan si cybier?" Luminga-linga ako pero wala akong nakitang cybier maski anino niya.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Si karen at marahang nilapat ang palad sa aking noo.

"Okay na ako, pwede ko na bang makita si cybier?" Nangingiting sabi ko.

Kamusta na ba siya? Hindi ko pa siya nakikita simula nung unang magising ako, kumain na ba siya? Bakit di niya ko pinupuntahan? Na-admit din ba siya? Nasan ka na ba cy..

Pumasok ang mga doctor at nginitian ako. Nginitian ko sila pabalik ngunit agad iyong naglaho ng kasunod nilang pumasok ang mga magulang ko.

"Okay na ako doc, makakalabas na po ba ako?" Nakangiting tanong ko.

"Bukas ay makakalabas ka na, basta magpahinga ka lang muna, okay?". Tumango ako at tinignan ang mga kaibigan ko.

"Asan si cy? Nakita niyo ba siya?". Kinabahan ako ng magiwas ng tingin ang iba, at ang iba naman ay napakagat ng labi.

Nagtataka ko namang nilingon ang magulang ko,at nakitang nakayuko na sila ngayon, at hindi maipinta ang mga mukha.

"Cybier is okay right?" Pampalakas ng loob kong tanong sa kanila.

Nagulat ako ng biglang umiyak si mommy. Dinaluhan agad siya ni daddy, nararamdaman kong nanginginig ang aking mga kamay at naguumpisa ng tumulo ang aking mga luha.

Wag kang magisip ng kung ano, okay lang si cybier. Siya na mismo ang nagsabi na babalik siya.

"Please, answer me. Nasaan si cybier?!!" Gigil kong tanong.

Tangina, nagmumukha akong tanga, kapag tinanong ko kung nasaan si cybier ay iibahin nila ang usapan, hindi sasagot.

"Bietriz.." Niyakap ako ng mga kaibigan kong umiiyak na rin.

"Wala na siya anak.." Nag-aalalang sabi ni daddy.

Halos mapugto ang hininga ko at nanikip ang aking dibdib. Napahawak ako doon habang naguunahang tumulo ang aking mga luha. Kinakapos ako ng hininga kaya lumayo sa akin ang mga kaibigan ko at nilapitan ako ng mga doctor at nurse.

"No. No.. Nooo!!! Sabihin niyong nagbibiro lang kayo?!" Tumawa ako at tinignan sila isa-isa. Nag ilingan sila at mas lalo pang umiyak.

This isn't true,maybe may surprise si cy kaya wala siya. Baka lumabas or may binili lang. Hindi ako non iiwan, lalo na sa ganitong sitwasiyon ko!

"Mga sinungaling! Andito lang si cybier!" Tumayo ako at lumabas ng kwarto. "Sabihin niyo sa akin kung saan ang kwarto niya!" Nilingon ko sila at lahat sila ay naaawa akong tinignan.

"Anak, wala na si--"

"STOP! ILABAS NIYO NA SI CYBIER!" Galit kong sigaw sa kanila.

Binuksan ko ang mga katabing kwarto ko pero wala siya don. Inawat na ako ng guard at iba pang doctors para pahintuin dahil nakaka gulo na ako sa iba.

"Ano ba! Bitawan niyo ko! Gusto kong makita si cybier!" Pagpupumiglas ko.

Dinala nila ako pabalik sa aking kwarto at humarang sila sa aking pinto. Pinaghahampas ko na sila sa kanilang dibdib pero wala iyong talab sa laki ng katawan ng mga guard. Nang mapagod at napasandal ako sa pader at nagpadausdod don.

"TANGINAAAA!!!!" malakas kong sigaw. Napa tahimik silang lahat.

"Pagod na pagod na ko, parang awa niyo na" Lumuhod ako sa gitna.

Niyakap ako ng mga kaibigan ko para patahanin ako.

"Ilang araw na ko dito?" Nanghihina kong tanong.

"M-mag 1 week" sagot ni amelia at marahang pinupunasan ang luha sa aking mukha.

"Totoo ba yung tungkol kay cybier?"

Tumango sila kaya tuluyan na akong napaupo at napa hagulgol. Wala ng pumapasok sa isip ko,para akong mamatay. Para akong mawawalan ng malay.

"Ano pang hindi ko alam?!! B-bakit may lumabas na dugo sa akin?"

Natahimik sila at mas lalo pang naluha.

"Bakit?!"

"Yung b-b-baby mo..."

Nanlalaki ang mata kong lumingon kay karen, halos wala akong maramdaman, pati ang utak ko ay nablangko, ang galit ko ay biglang nawala, pati ang pagtibok ng puso ay parang huminto sa aking nadinig.

Baby ko..



~END~

The One That got Away Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon