Chapter 1

190 7 0
                                    

Natagpuan ko ang sarili ko papasok sa isang hindi kilalang apartment dito sa manila,masyado akong napagod sa pagtakas sa lalaking minamahal ko na ngayon ay kinakamuhian ko na.


"May maitutulong ba ko sayo hija?"


"Ay kalabaw!!" Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko at tapatingin sa isang babae na nakabelo na kulay itim. Ang creepy amp, bigla bigla lumilitaw eh.

"Pasensya na, nagulat ba kita?" Tanong ng babae na hindi naman gan'ong katanda tignan.

"Ahh slight.. I'm bietriz.I just want to ask.. kung meron pa po kayong bakanteng room? Ako lang po,wala naman po akong gamit. Just meantime"Sabi ko sa kanya

"Ah sakto meron pa" medyo gumaan yung loob ko sa kanya ng ngitian nya ako.

Nagsimula na kaming pumasok sa loob, ang laki sa loob shemay,medyo nakakatakot sa labas kase mukhang luma pero kapag nakapasok ka na sa loob sobrang linis.


"Nakalimutan kong sabihin,may kasama ka pala sa room mo,pero nakahiwalay naman kayo ng tutulugan, wag kang magalala, hindi nangangagat yung pamangkin ko" humagikgik si nanay sa huli nyang sinabi, di naman ata masama na may kasama ako diba? Unless na lang kung lalaki yon!!


"Ahmm, nanay, diba babae naman po yung makakasama ko sa isang room?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.


"Wag ka sanang magugulat pero lalaki hija, wag kang magalala dahil hindi naman malikot ang kamay niyon at mabait ang aking pamangkin. " What the fudge!! Lalaki?!!! Sa iisang room??!!!! Kung may choice sana ako, hayy.


"Ah okay po, hehe" Bwisit talagang yan, kung minamalas ka nga naman.


Naglakad-lakad pa kami ni nanay at umakyat sa second floor, medyo kinakabahan ako kase malapit na kami sa dulo,huminto na si nanay.



"Dito ang iyong tutuluyan hija" Binuksan nya ang pinto, at nagtama ang mata namin ng lalaki, natigilan sya sa ginagawa nya at napatulala lang ako sa kanya. Familiar sya,pero di ko sure kung saan ko sya nakita or should i say hindi ko pa talaga sya nakita.


"Cybier, si bietriz, simula ngayon roommate mo na sya" Tinaasan lang ako ng kilay ni cybier .

I was still staring at him because I felt like I had really seen him before.


"Maiwan ko na kayo, wag mag kakagatan.." Kung nasa matinong sitwasyon siguro ako ay baka nakisabay ako sa tawa ng babae.


Bago siya umalis ay sinabi niyang bukas ko na lang daw siyang kausapin sa mga paglilinaw.Tinignan ko ang kasama ko.


Magmumukha naman akong rude kung hindi ko ito kakausapin.


"Ahmm, hi?" Tinignan nya lang ako
saka humarap ulit sa laptop nya. "Sungit" nasabi ko na lang


"Sinong masungit ha??!!" Napakagat ako ng ibabang labi ng tumaas ang boses niya.Mukha naman siyang hindi galit.


Napagdesisyunan ko ng magpahinga dahil pagod na talaga ako,mentally, physically at emotionally.


"Ay palaka!" Napatayo ako sa pagkakahiga ng bigla syang lumapit sakin.Shems mukha syang pwet.Di ko sya pinansin at pumikit na lang ako ng mata. Yan tama yan self.


The One That got Away Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon