Chapter 22

35 6 0
                                    

"Balik kayo ha" Malungkot na sabi ni cyner at niyakap ako.

"Kapag may oras ay bumalik kayo,mag-ingat kayo sa byahe." Niyakap din ako ni lola.

"Maraming salamat po sa magandang pakikitungo,nag-enjoy po ako ng sobra."Tumango ako at kumaway sa kanilang lahat.

"Aalis na po kami,baka magbago ang isip ko at pakasalan agad dito sa bietriz para hindi na kayo malungkot" Nagtawanan kaming lahat.

Tumalikod na kami at pumasok sa kotse.Binuhat ko si cyriez at hinupo sa hita ko.Ang himbing ng tulog. Nag dasal muna kami ni cy bago umalis.

"Arggh,sakit ng katawan ko" Inunat ko ang kamay ko at dahan-dahang binuhat si cyriez palabas ng kotse. Nandito na kami sa laguna at  traffic kaya hapon na ng makarating kami.

"Order na lang tayo" Binigay sakin ni cy ang susi at inakbayan ako papasok sa bahay.Naka salubong namin si auntie kaya napa hinto.

"Hi po auntie!" Hinalikan namin sya ni cy sa pisngi.

"Mukhang pagod kayo sa byahe,may gustong kumausap sayo bietriz,kanina pa 'yon naghihintay." Nagkatinginan kami ni cy at nagtataka kung sino' yon.

"Sino daw po?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi ko natanong ang pangalan eh,pero mukhang mayamang lalaki. Nasa waiting area s'ya,puntahan niyo na para makilala niyo." Kahit nagtataka ay sumunod kami kay auntie.

Naabutan namin si dad na may kausap sa telepono.Saglit syang natigilan ng makita kami.

"Okay,I'll call you later" Pagkababa ng tawag ay tumayo agad sya. Inabot ko kay cy si cyriez.

"What are you doing here dad?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"May importante kang dapat malaman" Bigla akong kinabahan sa tono ng boses niya.

"What it is?" Sinubukan kong tapangan ang boses pero mabigo ako,nandun pa rin ang takot at kaba.

"Your mother has a heart attack, she is in critical condition right now. She wants to see you" Agad kumalabog amg dibdib ko.Inalalayan agad ako ni cy ng mapansing parang matutumba ako.

"I-is she okay?What happened?"

"She's not okay now,so she wants to see you and say something."

"What it is?"

"Sya ang tanungin mo,let's go" Iginaya niya ako palabas.

"Sasama ko si cy" Napa hinto si daddy sa paglalakad at nangunot ang noo.

"This is family matters bietriz"

"I want him to be with me"

"No, it's okay bietriz." Hinawakan ni cy ang braso ko at nginitian.

"No,you're coming with me." Pagtatapos ko sa usapan.

"But bietr--"

"Please dad"

"Fine!"

Sasakyan ni cy ang ginamit namin.Pina bantayan nya muna si cyriez kay auntie bago kami umalis. Nang maka rating ay sabay kaming pumasok sa hospital.Sinundan namin si dad kung saan ang private room ni mom at sa labas lang nag-antay si cy.

Sabi ko na,kaya hindi maganda ang kutob ko eh.Alam kong may tinatago sila sa akin.

"Are you fine here?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

The One That got Away Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon