Chapter 14

49 8 0
                                    


Kinabukasan ay nagising ako ng wala na sa tabi ko si cy,pumunta akong kusina at nakita kong may naka handang pagkain doon. Kumuha ako ng tubig sa ref,may nakita akong sticky note doon.

Amor,pinatawag ako sa office dahil may importante daw na gagawin. Hindi na kita maihahatid sa school, pero papasok ako. Hinandaan na kita ng pagkain dahil baka tamarin kang magluto at pumasok ng hindi kumakain.

                                                                      -Cy'yo langs

Napangiwi ako pero deep down ay kinikilig at sinimulan ng kumain,2 hours pa bago ang start ng class kaya nagchat ako sa gc na maaga akong papasok. Sasamahan daw nila ako dahil may utang pa daw ako sa kanilang chika. Mga chismosa.

Ginamit ko ang sasakyan ko at nagmaneho na papunta sa coffee shop nila cy, duon ang place na sinabi ni lucy para daw mapa kinabangan na nya ang regalo ni cy sa kanya.

Nang dumating ako ay nandun si amelia at lucy. Kasunod kong dumating si zoey kaya nag order na kami. Maaga pa kaya kaunti pa lamang ang customers, nagsisimula pa lang magpakita ang haring araw.

"Isa neto, neto, ito pa, at tsaka ayan, padagdagan ng toppings and eto pa, tatlong piraso nyan at ayan pa." Nagngiwian kaming lahat sa sobrang daming in-order ni lucy.

"Parang may galit ka kay cy ah! Baka malugi sila nyan!" Zoey

"Ngayon lang ako pupunta dito kaya grab na" Habang inaantay yung order namin ay nagkwentuhan na kami.

"Fuck! Nag-away kami kagabi ni owen! Binasag nya yung cellphone ko nung nakita nya yung lockscreen!" Nagtawanan kaming lahat ng sabihin 'yon ni amelia.

"Si archer nga nagtatampo saken, bakit daw pati' yon sinabi ko pa, eh alangan namang magsinungaling ako diba?!" Si zoey.

"Ano daw sabi?" Pang e-echos ko.

"Ayon, nadiligan ako ng wala sa oras" Nagtawanan na naman kami, napa hinto lang kami ng mapatingin samin ang mga tao sa shop.

"Ikaw lucy? Sino yung ka night out mo kagabi ha?!!"

"Yung guy na hinalikan ko,shit! Naalala ko na naman sya! Antanga ko kase di ko nakuha yung number nya!"

"Ay ang pokpok, may balak pang mag round 2" Nagtawanan na naman kami at di na namin pinansin ang mga taong tumitingin samin.

Nang dumating ang order ay kumain na muna kami. Kinuha ko yung caramel cake at cappucino milk tea at pinicture-an iyon, i uploaded it on my ig with a caption na "Hola, Buenos dias" Spanish language 'yon na ang ibig sabihin ay "Hi, good morning".

Lumaki ako sa america pero natuto ako sa iba't-ibang linggwahe, pero spanish language lang ang mas pinag tuunan ko ng pansin dahil nakuha nya ang attention ko. May pansin akong taga barcelona, kinulit ko sya ng kinulit kaya tinuruan nya ako ng linggwahe nila.

"So betty magkwento ka naman kung anong nangyari sa inyo kagabi,bigla na lang kayong nawala sa loob, agaw eksena ang paghatak sayo ni papi cy,pinag-aagawan ng mga pogi. Sana all" Napangiwi ako at humigop muna ng tea bago nagkwento.

"Sinabi nila saken yung totoo,na plinano lang nila yung  lahat,palubog na daw ang kumpanya nila mark at wala silang ibang pwedeng lapitan kundi ang pamilya ni karen. Ewan ko ba kung bakit hindi s'ya samin lumapit eh,baka nakalimutan nyang si mark sya at kung ga'no sya kalakas sakin, DATI. "Nagkabit-balikat ako at kumain ulit ng caramel cake.

The One That got Away Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon