Chapter 31

35 4 0
                                    

Napatayo at napalayo sa akin si alwyn ng may marinig kaming putok ng baril galing sa labas. Agad niya 'yong sinilip at bulong na napamura.

Nanginginig kong kinuha ang kumot sa aking paanan para takpan ang katawan kong walang saplot ni isa.

Bumukas ang pinto at bumungad si cybier na pawis na pawis at may mantsa ng dugo.

Pinutukan siya ni alwyn pero agad niya 'yong nailagan. Napa pikit pa ako ng marinig' yon at napahawak sa tenga.

Lumabas si alwyn at kinuha ko ang pagkakataon na yon para kuhanin ang aking mga damit. Nanghihina akong umalis sa kama at pinupot ang mga damit kong nagkalat sa sahig.

"Anong nangyari?!! May ginawa ba sila sayo?!! Nasaktan ka ba?!!" Galit na tanong ni cy.

Nagulat ako ng nasa harap ko na siya ngayon at nang-aalala akong tinignan. Niyakap ko siya ng mahigpit na para bang makakawala ulit siya..

"Shhh.. Andito na ko.." Hinagod niya ang likod ko at tinulungan akong magbihis.

Nang matapos ay hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.

"Nasan ang mommy mo?"

"N-nasa k-kabila".Habol ang hininga kong sabi.

Tumango siya at hinawakan ang kamay ko.

"Kumapit ka lang sakin okay? makaka labas tayo dito".

He kisses my forehead bago kami lumabas.

"Padating na ang mga pulis, pero kailangan mo pa ding mag-ingat."

Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya at pinagsiklop niya 'yon.

Napa pikit ako ng may marinig akong putok ng baril sa labas ng bodega.

"They're here, let's go to your mom"

Tinuro ko sa kanya ang lugar kung saan naroon ang kwarto ni mommy. At agad namin' yong pinuntahan.

Halos manlamig ako sa kinatatayuan ko ng pagbukas ng pinto ay naka tutok ang baril ni alwyn sa ulo ni mommy.

"Hindi kayo marunong sumunod!! Akala niyo makakatakas kayo ng basta-basta?!!" Ngumisi si alwyn at hinatak patayo si mommy.

Ang kwartong iyon ay sira-sira at wala ng ding-ding kaya makaka-alis ka kahit walang pinto.

Lalapit sana ako ng tutukan ako ng baril ni alwyn at bigla akong hinawakan ni cybier para itago sa likod niya.

"Ibigay mo siya samin at hayaan mo na kami" Madiing sabi ni cybier.

Tinawanan lang siya ng magkapatid.

"Ano bietriz, masarap ba? Malaki diba, kasyang-kasya sayo, mukha ka naman na kasing laspag" Pang-aasar na sabi ni allyssa.

Tinutukan siya ng baril ni cybier at walang sabi-sabing pinatamaan ang nasa pagitan ng dalawang magkapatid.

Tinutok sa akin ni alwyn ang baril niya ngunit bago pa 'yon pumutok ay nahablot agad ako ni cybier.

Tumakbo si allyssa palapit sa akin at agad hinatak ang buhok ko.

"You son of a bitch!!!!!" Nang gigil na sigaw niya.

Hinawakan ko ang braso niya para itulak siya pero hinatak niya yon pabalik at namarkahan iyon ng kuko ko.

"Fuck you!" Sinipa ko siya sa tiyan dahilan para matumba siya.

Humupo ako sa tiyan niya at sinakal siya. Nagpupumiglas siya kaya mas lalo kong diniinan ang pagksakal.

"Ah!" Napa higa ako ng sipain niya ako at siya naman ang sumakal sa akin.

Nararamdamna kong kinakapos ako ng hininga kaya naghanap ako ng paraan para makatakas sa kanya.

Pilit kong inaaabot ang kahoy na nasa ulunan ko, nanghihina na ako at nawawalan na ang lakas. Nang maabot ko yon ay agad kong hinampas sa ulo ni allyssa. Natumba siya kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para tumakas.

Tumayo ako at nanigas sa kinatatayuan ng may nakita akong tumutulong dugo pababa sa aking mga hita. Nanubig ang mata ko at napahawak sa aking tiyan.

"What is the meaning of this?!" Nanginginig na tanong ko sa kawalan.

Nagising ang aking diwa ng may narinig akong putok ng baril.Agad akong tumakbo para puntahan si cybier. Naabutan kong sakal-sakal niya si alwyn at parehas ng walang hawak na baril.

"Tumakas na kayo!" Sigaw niya sa akin at hindi inalis ang tingin kay alwyn.

"Hinde, sabay tayong aalis dito!" Sigaw ko rin sa kanya.

Tumakbo ako sa kwarto ni mama at naabutan siyang umiiyak. Kinalagan ko siya at tinanggal ang panyo na naka takip sa kanyang bibig bago hawakan ang kanyang kamay para yayaing umalis.

Bago kami makalabas ng pinto ay may narinig kaming sirena, hudyat na malapit na may parating ng mga pulis para tulungan kami.

Sinipa ko ang ulo ng lalaking tatayo pa sana, kinuha ko ang baril sa paanan niya at dali-daling tumakbo.

Nang maka punta ako sa lugar kung nasaan sila cybier, nakita kong sakal-sakal siya ni alwyn, kinuha ko ang kahoy sa tabi ko at pinalo yon sa ulo niya.

Natumba siya kaya lumapit agad ako kay cybier para ala-layang maka tayo.

"Lumabas na kayo" Inagaw niya sa akin ang hawak kong baril ng mapansing may malay pa rin si alwyn.

"No, sabay tayong aalis sa impyernong to!"

"Umalis na kayo! Please makinig ka naman sa akin!" Tumayo siya at marahan kaming tinulak ni mommy bago siya lumapit kay alwyn at tadyakan ang tiyan nito. Nilingon niya kami at ng makitang andun pa din kami ay lumapit siya sa amin.

"Please,keep safe. I love you.." Hinalikan ko siya sa labi bago siya tinalikuran.

Nang lingunin ko ulit siya ay may nanlaki ang mata ko ng may lumabas na dugo sa kanyang bibig. Akma akong tatakbo papalapit sa kanya ng may humila sa akin at napaka bilis ng mga pangyayari.

Hindi ko na alam ang susunod na nangyari dahil nawalan ako ng malay..




~END~

The One That got Away Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon