Chapter 10

65 6 0
                                    

Lumipas ang mga araw at linggo.August na ngayon at sobrang busy kami netong mga nagdaang araw dahil sa paparating naming first semester sa biyernes.

Kasalukuyan kami ngayong nag-aantay ng next teacher namin.

"After ng test sarap sarap na sa sabado!!!"Masayang sabi ni zoey. Sa sabado ay birthday ni lucy,which means club na naman.

"Woaaah party party!!! Andami na namang boys!!" Nagtawanan silang magkakaibigan sa sinabing iyon ni zoey.

"Archer oh! Boys daw!" Kunyare niyang sabi sa labas ng pinto dahil nakatalikod doon si zoey. Natigilan si zoey at hindi makalingon sa pinto.

"My god,masasabunutan kita betty,I'm not kidding" Kabadong sabi sa kanya ni zoey.

"Ano yon zoey? Maraming boys?" Malakas na sabi ni amelia at nakatingin sa pinto. Actually wala naman talaga don si archer.

"Tangina nyo guys" Sinamaan sila ng tingin ni zoey. "Archer,hindi ganon yo--" Humarap sya sa pinto ng room at wala siyang nakitang tao don.

Pagkaharap niya samin ay may kanya-kanya na kaming ginagawa. Ako ay nagkukutkot ng kuko,si amelia ay nagbibilang sa dingding, butiki yung binibilang.Si lucy naman ay nagsusulat na.

"Mga punyeta talaga ka-" hindi pa sya tapos magsalita ng may tumikhim sa harap.

"Ms. Vargas, nasa school ka,wala ka sa kalye" Sabi sa kanya ng prof namin.

Sa loob loob ko ay sobra na ang tawa ko pero pinipigilan ko iyon dahil baka ako naman ang mapagalitan. Sobrang badtrip siguro ni zoey ngayon hahahahahahahahaha.

"So two days before out first semester,naka pag review na ba kayo?"

"Yes sir"Sabay sabay naming sabi.

"Good,baka pagno-nobyo at nobya niyo lang ang inaatupag niyo ha. Kayo ang gumagawa sa grades niyo,tandaan niyo 'yan" Ayan na naman po sila.

Kahit nasa dean's list ako ay natamaan pa rin sa sinabi ng prof.

"So let's review,guide and hint ito para sa mga questions na ite-test niyo kaya makinig kayo."

Pagkatapos ng mahabang discussion ay dumiretso kami sa cafeteria'ng magkakaibigan. Hindi makakasabay si cybier dahil marami pa daw silang dapat habulin.Alam ko naman iyon dahil collage na siya at andun na ang pressure sa kanila.

"So sino-sino ang invited sa birthday mo lucy?!" Tanong ni amelia ng maka order na kami.

"As usual,kalahati ng senior and mga varsity players pa,take note mga te may mga collage den na pupunta" potek ang harot lucy ha"Btw,anong susuotin niyo? Payag naman kaya ang nga juwawits nyo magsuot ng mga ano,you know sexy ganern"

"No problem,supportive ang boyfriend ko" sabi ni zoey at tinirik ang mata ang nilalagay ang mga buhok sa likod ng tenga. Nagpapabebe

"Gaga"

"Eh ikaw amelia?"

"Ha!! Ako pa,parang di n'yo naman ako kilala, under ko 'yon no. Boss atabs mo ko" Nagpogi sign pa ang gaga habang naka labas ang dila.

Dumating na ang order namin at sinimulang kumain.

"HAHAHHAHAHAHAHAH eh ikaw betty?"

The One That got Away Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon