Chapter 20

53 6 0
                                    

Pagkagising ay lumabas agad silang magka-kaibigan para mag-agahan.Umalis daw ang boys dahil iche-chek daw ang huli naming pupuntahan bukas,ang "stone of promise". Isa daw iyon sa palaging pinupuntahan ng mga turista dahil maganda ang view at specially ang mga couples na gustong magtagal.

Kailangan pa 'yong akyatin at mahigit kumulang 2 oras baka mo marating,pero sulit naman daw ang pagod kapag nasa taas na dahil tatanggalin ng masarap at malamig na hangin ang pagod mo. May mga malamig na ulap na dadampi sa katawan mo.

"Anong oras daw silang babalik?" Tanong ko habang nakain kami.

"Pabalik na ata,tanghali tayo mangingisda para bago maghapon ay maka balik na at maihaw natin yon." Tumango at palihim na ngumiti. Masaya siguro mangisda.

Pagkatapos kumain ay naligo na kami at naghanda para sa pangingisda. Pagkatapos mag-ayos ay bumaba na kami at naabutan ang mga boys na kumakain. Kumandong ako kay cy at nagkrus ng braso.

"Na-miss mo agad ako?"

"Ha?"

"Na-miss mo--"

"Halaman" Tumawa ako at kinurot sya sa pisngi.Kinagat nya naman ng mahina ang balikat ko kaya sinuntok ko sya sa braso.

"Para kayong tanga" Natatawang sabi ni archer. Tinarayan ko lang sya at pinagdiskitahan ang buhok ni cy, sya naman ay taimtim umano na kumakain.

"Pagkatapos mo dyang kumain,tirintas ko yung buhok mo mamaya" Tinantsa ko ang buhok nya,hindi naman 'yon sobrang haba pero kaya ko naman' yong itali.

Sunod-sunod nyang sinubo ang pagkain nya at uminom.Hinatak niya ako palabas kahit na puno pa ang bibig nya.

"Baka mabulunan ka!" Inis na sabi ko sa kanya at bumalik sa table para kumuha ng tubig. Inabot ko sa kanya 'yon pagka balik ay pinainom sa kanya.

Humupo sya sa buhangin at inaantay akong talian sya.Hinati ko sa gitna ang tuktok niyang buhok at pinahawak sa kanya ang isa para hindi magsalo.

"Happy birthday babylove" Sinilip ko sya at palihim syang ngumiti kaya tumawa ako.

"Ano ba yan! Dapat na ba kong kiligin?!" Kunyaring wala sa mood niyang sabi.

"Tse! Kinikilig ka na dyan!" Ngumiti sya at nagtakip ng bibig para pigilan ata ang pagtawa.

"Thank you,regalo ko?" Inabot nya sakin patalikod ang palad nya, kinagat ko 'yon kaya napahiyaw sya.

"Yan ang regalo ko." Tinali ko ang buhok niya ng ipit ko na may paro-paro na kulay pink. Tinignan ko ang sideview niya at tinawanan sya.

"Bakit ka tumatawa? Hindi ba bagay?" Umiling ako at sinimulang talian sya sa kabila.

Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko at pinicture-an ko ang ulo niya. Tumawa ulit ako dahil ang cute nung tali.

"Bakit ka ba tumatawa?!" May halong pagtataka ang boses niya.

"Wala,ang cute lang nung tali. Para kang tanga". Humarap sya sakin at kinagat ang pisngi ko.

"Oh my god! Kinagat mo ba ang pisngi ko?!" Hiwakan ko ang pisngi ko habang nanlalaki ang matang humarap sa kanya.

"Antaba na ng pisngi mo" Lumapit ang mukha ko sa mukha nya at may pinaka titigan pang mabuti

"W-why?" May kinuha ako sa baba ng mata nya.

The One That got Away Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon