Chapter 3

71 8 0
                                    

Sya ang unang naligo kase mabilis lang naman daw syang maligo,eh ang mga babae daw kung ano-ano pang ginagawang ritwal sa banyo, baka daw abutin kami ng gabi at hindi na kami matuloy magmall.


Paki nya ba,eh ganun naman talaga ang mga babae, parang relasyon lang yan, kung ang pagligo nga eh kaya naming patagalin, relasyon pa kaya?. Sabagay Kung gaano kabilis maligo ang mga lalaki, ganun din sila kabilis maghanap ng bagong malalandi. Char.



Kasalukuyan akong naghahanap ng masusuot na damit.Tag limang pares lang ang nabitbit ko bwisit na yan. Ang napili ko ay plain gray na v-neck at mini skirt na hanggang taas ng tuhod ko, sanay ako sa ganoong mga damit dahil lumaki ako sa America.


Buti na nga lang at hindi ako yung tipo ng babae na ang damitan ay kita na ang kaluluwa. Eww, i know that I'm sexy enough para magsuot ng ganon pero ayaw ko pa den 'no.


"Tapos na ko" Sabi ni cybier ng makalabas sa cr. Speechless. Yan lang naman ako ngayon. Nakatapis lang sya at ang pambabang bahagi lamang. So nakikita ko ngayon ang mga abs nya.



Siya itong nagsabi na maging conservative pero tignan mo siya ngayon! Kulang na lang ay ipagtulakan niya ang sarili sa akin.


"A-ah eh,okay m-maligo na ko" Sabi ko habang lumulunok-lunok,err, pano nya naaatim na hindi mautal sa ganong sitwasyon namen? Nah! Bakit ba affected ako masyado?



Pumasok ako sa loob ng hindi sya nililingon, kase naman eh, ang mga kasalanan kong mata, mga taksil!!


Wala pang kalahating oras ay lumabas na 'ko, mamaya sigawan pa ko nung baklang betty boop na yun eh.


"What's with that skirt?" Tanong nya habang naka taas ang isang kilay.

"Problema mo?"

"Too short"


"Ano naman?"

"Anong ano naman? Magpalit ka,don't show some skin,di ka naman sexy" Alam kong kasinungalingan lang yung huli nyang sinabi. Pero may na se-sense ako eh.


"Ayiee crush mo ko no?"Tanong ko sa kanya habang sinusundot-sundot sya sa tagiliran hahahahha.


"Crush? In your dreams,it's just that maraming boys sa mall kase weekends ngayon, and besides na sa manila tayo,parang di mo naman kilala ang mga tao dito, ayaw ko ng away" Ha? Ano daw?


"Naka skirt lang away agad? Kasalanan ko bang nabiyayaan ako ng sexy'ng katawan?"


"Tss, stupid.May pants ako dyan, ayon yung suotin mo." Umiling ako.


"Napaka bossy mo ah? Ano ba kita?" Tinaasan ko sya ng kilay. Di na sya sumagot at nagiwas ng tingin, pumunta naman ako sa harap ng salamin at nagsimulang magsuklay.


Tumitingin-tingin ako sa kanya sa repleksyon nya sa salamin,kanina pa kasi sya walang kibo. Halos sampung minuto na akong nagsusuklay dito. Di kaya makalbo ako nito? Galit kaya sya? Huhuhu,totoo naman yung tanong ko ah? Tsaka di naman sobrang ikse ng suot ko.


"Let's go" Malamig nyang sabi at naunang lumabas.Huhu galit nga.


"Ahmmm,cybier, magco-commute ba tayo?" Tanong ko sa kanya na halos lakad-takbo na ang ginawa ko makasunod lamang sa kanya.


The One That got Away Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon