Chapter 30

37 4 0
                                    

Disclaimer : Harassment


Parang nawala ang pagkahilo ko sa aking narinig.

Agad akong tumayo at pumunta sa kwarto para kuhanin ang mga importanteng gamit. Nanginginig kong tinahak ang kwarto at nagsimula ng tumulo ang  mga luha.

Hindi dahil sa saya kundi dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko.

Nagtataka at nag-aalala akong sinundan ni cy sa kwarto at tinulungan akong magligpit.

"Drive as fast as you can, please" Umiiyak na sabi ko.

Kinausap niya ang lola niya habang ako kay nanginginig sa loob ng sasakyan, hindi alam ang gagawin at ang mga posibleng mangyari.

"Everything's gonna be alright,love".

Hinalikan niya ang likod ng palad ko habang nagmamaneho pabalik sa laguna. Nang i-kwento ko sa kanya ay hindi niya rin alam ang gagawin niya.

"What if may masamang mangyari kay mommy?!" Hagulgol kong sabi.

"No, just think positive. Tibayan mo ang loob mo." Mahinahong sabi ni cybier para pakalmahin ako.

Hinihimas niya ang kamay ko na nanginginig. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko, ayokong mag-over think. I can deal with it. We can handle this. Alam kong kinakabahan rin siya,ayaw niya lang ipahalata.

Kahit antok na antok ay pinanatili kong naka mulat, naka ilang tawag ako kay daddy pero hindi niya sinasagot ang tawag ko kaya mas lalo akong kinakabahan.

"Natatakot ako cy"

"Shh,magpahinga ka muna" Sinuklay niya ang buhok ko.

Ayaw ko mang matulog, ay pinilit ko pa rin ang sarili ko para maging handa ako mamaya sa mga mangyayari.

Nagising ako ng may umalog sa akin.

"Nandito na tayo sa bahay niyo."

Wala akong sinayang na sandali, dali-dali kaming tumakbo ni cy papasok sa mansion.

"Where's daddy?!" Tanong ko pagkapasok.

"N-nasa kwarto po, nagkukul--"

Hindi ko na siya pinatapos at tumakbo agad sa kwarto ni daddy.

Naabutan ko syang umiiyak habang naka tingin sa kawalan. Nang lingunin niya kami ay bigla s'yang tumayo para yakapin ako.

"Ang mommy mo" Parang batang sumbong niya.

"Where is she? Nagsumbong na ba kayo sa mga pulis?"

"Wala akong ibang pinagsabihan dahil papatayin daw nila ang mommy mo kapag humingi ako ng tulong sa iba, anak.. ikaw ang kailangan nila, hindi ko kayang pati ikaw ay pahirapan."

Napa luhod ako sa sobrang panlalambot ng tuhod ko. Inalalayan agad ako ni cybier at tinignan si daddy.

" We need a help sir,walang ibang makaka-alam ng gagawin nating plano" Pagkumbinsi ni cy kay daddy.

"Hindi niyo sila kilala, magaling makiramdam ang mga 'yon, isang maling galaw natin, mawawala ang mommy niyo" Frustrated na sabi ni daddy.

Hindi ko alam kung bakit ganyan ang mga pinagsasabi niya. Na para bang kilalang-kilala niya ang pamilyang 'yon.

Wala ng oras para magtalo,buhay ni mommy ang kapalit. Kung ano man ang kailngan nila, ako ang makaka sagot n'on.

The One That got Away Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon