Chapter 5

57 7 0
                                    

Maaga akong nagising dahil mapapasasabak na naman ako. Bakit ba kasi kailangan pang pumasok! Maghahanap pa 'ko ng pwedeng pasukang trabaho. Hayy, kailangan ko ng maging independent.

Pumasok na ko sa cr at nag bihis lang ng plain white na v-neck at sky blue denim skirt na above the knee,bibili na lang ako ng uniform para hindi ako ma-suspend.

Paglabas ko ng cr ay siya namang pag gising ni cybier.

"Nag-aaral ka pala?" Tanong niya.

"Yeah,senior, you?" Sagot ko habang naka tingin sa harap ng salamin dahil nagaayos.

"college, engineering" Taas noong sagot nya. Tss, yabang.

"San ka nag-aaral?"

"LIS" which means, Laguna International School.

"Woaah? for real??" Gulat niyang tanong.

"Yeah" Boring na sagot ko,alam ko namang di sya don nag-aaral dahil mahal ang tuition don, di naman sobrang mahal pero di maa-afford basta-basta. At hindi ko siya minamaliit or what, it's a freaking  private school for a reason.

"Anong oras pasok mo?" Tanong na naman niya at nag-aayos ng susuotin.

"8:00 am, 2:00 pm ang tapos ng klase, ikaw? san ka nag-aaral?" Tanong ko ng mapansin ang inaayos niyang uniform.

"LIS den,Same schedule" Ngiting-ngiti nyang sabi. What the? pati ba naman sa school makikita ko 'tong mokong na' to?

"Hmmm"

"Hintayin mo 'ko sabay na tayo"

Agad akong napatayo at nagpa-panic na humarap sa kaniya.I can't. I mean,tinatamad pa akong magdrive pero awkward masiyado para sa akin lalo na kapag nakita siya ng mga kaibigan ko. Alam kong magdududa ang mga 'yon.

"No need, nandiyan naman yung kotse ko,pinadala ko sa secretary ni daddy"

"Hindi ba mas makakamura ka sa gas kapag sumabay ka na lang sakin?"

Tinitigan ko siya ng matagal.

"Fine! ayoko lang ng maingay sa byahe!"

"Wow ha! eh ikaw nga' tong palaging pasigaw kung magsalita eh!"

"Dalian mo na dyan! ayokong malate"

"Okay babe"

"Babe your ass!" Sabi ko sabay bato ng suklay sa kaniya,pero bago pa sya tamaan ay nakapasok na sya sa cr ng tumatawa.

Kinakabahan ako ng sobra dahil alam kong makikita ko doon ang mga kaibigan ko,hindi dahil galit ako sa kanila, kundi dahil baka mag sumbong sila kay dad na nasa school ako,kahit kaibigan ko ang mga iyon ay takot sila kay daddy kaya hindi ako makampante. Besides, maraming close si daddy sa school kaya arggh!!! patay ako nyan!! pano ko s'ya matatakasan?!!

Pagkatapos maligo ni cybier ay sabay kaming kumain,habang naliligo kasi siya ay nagsangag ako ng kanin at nagprito ng tuyo at itlog. Kahit may kaya kami ay hindi kami sinanay na magfeeling donya, ayaw ko din naman ng gano'n,si lola ko ang nagturo sa'kin magluto,si mommy naman sa paglalaba,na hindi gumagamit ng washing machine. Ngayon mapapakinabangan ko na lahat ng nalalaman ko. I need to be independent for God's sake!

The One That got Away Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon