Chapter 19

33 6 0
                                    

Alas tres ng madaling-araw kami nagising ni cy, kulang kami sa tulog dahil alas onse na ng matapos kami sa panonood ng movie. S'ya ang naunang maligo dahil matagal daw ako maligo kaya hinanda ko na ang mga dadalhin namin.Masaya ako dahil first time namin ni cy sa ganitong galaan.

Nagcommute lang kami papuntang coffee shop dahil wala naman kaming driver at ang sasakyan naming papuntang batangas ay hindi saming sasakyan. Nang makarating sa coffee shop ay si mark at karen na lang ang kulang.

"Parating na daw sila, may inayos lang daw." I nodded to zoey. Tinignan ko si cy na naka hupo sa tabi ni owen, tatabi sana ako ng mapansing wala ng hupuan doon. Sumimangot ako at tumayo na lang.

"Hey, sit here" Umiling ako ng akma syang tatayo. Lumapit ako sa kanya at humupo sa lap nya. Natigilan naman sya kaya natawa ako.

"Wild" Nagtawanan ang mga kasama namin kaya umiling ako at natawa den.

Habang nagke-kwentuhan kami ay may van na huminto sa harap namin. Dumungaw si karen sa bintana at kumaway.

"Let's go!!" Nilagay namin ang mga gamit sa likod at naghanap ng mape-pwestuhan,dahil apat ang row ay tagi-isa, si mark ang driver at katabi niya si karen. Sa likod ay si Owen at Amelia, sa sumunod naman ay si, lucy at jiro,zoey at archer. Kami naman ni cy ang nasa pinaka likod.

"Seat belts on, here we go to batangas!" Sabay-sabay kaming naghiyawan at nagtawanan. Nagpatugtog naman si karen at nagkwentuhan na sila.

"Nachos for my babylove" Inabutan ako ni cy ng Nachos na naka tupperware.Nang mag-isang oras na sa byahe ay pinatay na ang sounds at kanya-kanyang kwentuhan,ang iba ay natulog.

"Di ka matutulog?" Tanong ko kay cy na naka tingin sa labas.

"Hindi ako inaantok eh,ikaw? Kulang ka rin naman sa tulog ah"

"Inaantok nga ako,tulog tayo." Tumango sya,kumuha ako ng earphone at sinuot 'yon.

"Ako din!" Inabot ko sa kanya yung sa kabila at patagilid syang niyakap. Inakbayan nya naman ako para maka hilig ng maayos.

Nang magising ako ay tirik na ang araw,iba na rin ang pwesto ko. Naka higa ako at ang unan ko ay hita ni cy.

"We're here,let's go out, magbo-book daw muna tayo." Lumabas kami at napa pikit ako ng bumungad sakin ang sariwang hangin at kulay asul at puti nitong buhangin. Napaka linis ng tubig,para syang mineral! I can call it mini boracay.

Sumunod kami sa mga kaibigan ko papasok sa hotel.

"Dalawang kwarto lang ang pina suggest ko dahil nakaka hiya naman kay tito, napaka mahal ng isang room"

"What do you mean dalawa?" tanong namin ni luzy kay zoey.

"Dalawang king room,hiwalay ang girls sa boys, of course. Anong gusto niyo? Tagi-isa tayo ng kama or tabi-tabi tayo?"

"Tabi-tabi na lang! Nakaka-miss kaya mag-over night kina bietriz." Amelia suggested.

"Okay, okay, kayo boys? Tabi-tabi din?"

"Hiwalay na lang siguro" The boys agreed. Binigyan agad kami ng id and key. Magkatapat lang ang kwarto namin kaya hindi kami mahihirapan just in case.

Nang maka pasok ay binitawan ko agad ang gamit ko at binagsak ang katawan sa kama. Ang iba naman ay inayos ang gamit.

"Stand up! We will have lunch!" Hinatak ako patayo ni zoey pero lalo akong nagpabigat.

The One That got Away Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon