Chapter 2

98 8 0
                                    

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Napabangon ako at nag unat-unat, humarap ako sa salamin na naka dikit sa may pader. Shit! Namamaga mata ko. Hinanap ko ang bag ko at pasalamat na lang dahil may dala akong proper hygiene, ayokong humiram sa lalaking to ano.


"Good morning" Bati ko kay cybier na iniluwa ng cr at mukhang kakagising lang din. Tinignan nya lang ang kabuuan ko at humupo sa kama nya. Tss, sungit.


Pumasok na ako sa cr at nagtoothbrush. Pagkatapos kong mag toothbrush ay lumabas na ako at napalunok sa nakikita ko. Si cybier nakahubad ay i mean topless bwisit! Nang aakit ba 'to?


"Laway mo tumutulo" Natauhan ako sa sinabi nya at tinignan sya ng masama.


"Tumutulo daw eh wala namang abs" Bulong ko sa kawalan.



"Wala pa lang abs ah, kaya pala titig na titig ka?" Taas kilay nyang sabi. Oo na! May abs na sya!


Tinarayan ko na lang sya na iki atawa nya. Napatigil ako sa kanya at tinignan ang mukha nya, pogi naman pala ang isang to eh.Masungit nga lang.


"Pag ikaw na inlove walang sisihan ha" Nakangisi nyang sabi.


"Naka tingin lang sa'yo inlove na agad? 'Di ba pwedeng napapangitan lang ako sayo? Tsaka may kulangot ka kase sa mukha" Pagsisinungaling ko na lang.


"Tsss" Favorite ha?


"Nga pala, aalis ako ngayon, pupunta ako sa mall, ahmm.." Naka taas ang isa nyang kilay habang nakikinig sakin "Pwede mo ba akong samahan?" Nahihiyang tanong ko sa kanya.



"Bakit di ka pumunta magisa?" Sabi nya sabay taray. Eto, pag nalaman kong bakla ito hindi na ako magtataka.


"Kung alam ko lang ang mall, bakit pa 'ko magpapasama sayo?" Mataray na sabi ko sa kaniya.


"Taga san ka ba? Bumaba ka ba sa pinaka mataas na bundok ha? " Tinignan ko sya ng masama.Pag eto hindi tumigil kaka asar sakin makakatikim talaga ito eh.


"Sasamahan mo ba ako hindi?" Tanong ko sa kanya. Nakakairita na ako.


"Okay fine, pero mamaya ng hapon, ang init pa." Tssk, ang arti amp.


"Okay" Ayan na lamang ang nasabi ko.


Abala ako sa pag aayos ng gamit ko ng bigla na naman s'yang nagsalita.


"Anong gagawin natin don?"


"Bibili ako ng mga susuotin ko, at iba ko pang pangangailangan" inilagay ko sa cabinet ang kaunting damit na dala-dala ko.


Actually, paguwing-pag uwi ko ng pilipinas ay dumiretso agad ako sa park na palagi naming pinupuntahan ni Vincent para mag set ng Suprise date naming dalawa. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay ganoon pala nag bubungad sakin. Bwisit talagang yan. Hayy, salamat sa aking suitcase. Kahit papa'no ay may nabitbit ako.


Bumalik ako sa higaan ko at naghalungkat pa sa bag, napatigil ako ng makita ang picture frame namin ni vincent, nasa moa kami nito, ito ang araw na sinagot ko sya at pinakilala sa family ko. Nakuyom ko  ang aking kamao at akmang itatapon sa basurahan ng magsalita si cybier.


The One That got Away Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon